Friday , November 15 2024

Negosyante ng paputok utas sa boga ng ‘pamangkin’

093014 gun deadBINAWIAN ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa pagamutan ang isang negosyante makaraan pagbabarilin ng pamangkin ng kanyang live-in partner nang mapagkamalan siyang magnanakaw habang nasa loob ng kanilang bahay sa Brgy. Turo, Bocaue, Bulacan kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ang biktimang si Teresita Gonzales, residente sa nasabing barangay at may-ari ng Rejoice Ann Firework sa nabanggit na lugar.

Habang pinaghahanap ng pulisya ang suspek na si Ermel Palomo, 35, isang OFW at residente ng Brgy. Tarcan sa bayan ng Baliwag sa lalawigan ding ito.

Ayon sa imbestigasyon ni PO3 Francis Ramos, nakikipag-inoman ang ka-live-in ng biktima na si Ernesto Bonifacio sa suspek at sa dalawang trabahador nang utusan ni Bonifacio ang isa na bumili ng kanilang mapupulutan.

Nang bumalik ang inutusang trabahador ay sinabi niya kay  Bonifacio na may nakita siyang isang tao na pumasok sa loob ng isang silid kaya’t agad itong hinanap ng suspek.

Kinatok ng suspek ang pinto ng nasabing silid ngunit walang sumasagot kaya pinagba­baril niya ang pintuan hanggang tamaan ang biktima.

Daisy Medina

About hataw tabloid

Check Also

111424 Hataw Frontpage

PH mistulang killing fields sa ‘Duterte drug war — Solon

ni GERRY BALDO NAGMISTULANG killing fields ng mga drug suspect at inosenteng sibilyan ang Filipinas …

Dwayne Garcia

Dwayne Garcia, excited na sa kanyang debut single na “Taym Perst Muna”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SUPER-EXCITED ang newbie singer/actor na si Dwayne Garcia sa paglabas …

PDEA EDSA busway

Dumaan sa EDSA busway
PDEA vehicle tinekitan

INISYUHAN ng tiket ng Special Action and Intelligence Committee for Tr1ansportation (SAICT) ang driver ng …

Smuggled Sugar asukal

900 sako ng puslit na asukal nasamsam; 3 driver, 1 pahinante tiklo sa Zambo

ARESTADO ang apat katao dahil sa alegasyong pagpupuslit ng sako-sakong asukal sa Brgy. Cawit, sa …

gun ban

Search warrant ikinasa, illegal gun owner timbog

MATAGUMPAY na ipinatupad ng mga awtoridad ang search warrant para sa ilegal na pag-iingat ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *