Monday , December 29 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Manolo, sobrang blessed sa pagkakasama sa Hawak Kamay

ni Roldan Castro

102914 Manolo piolo

LAST three weeks na ang seryeng Hawak Kamay na unang serye ni Manolo Pedrosa paglabas ng PBB All In. Ano ang feeling na naging bahagi siya ng serye ni Piolo Pascual?

“Nagulat po ako..na hala may show na po ako, primetime po tapos kasama si Piolo. Grabe…naisip ko po na sobrang blessed po ako at nabigyan po ako ng ganitong opportunity kaya masaya po ako,” reaksiyon niya.

Kumusta katrabaho sina Piolo at Iza Calzado?

“Sobrang mabait po sila, kahit nandiyan na po sila, pinapansin po nila ako. Minsan po nahihiya po ako sa kanila,” bulalas niya.

Kumusta naman ang acting niya, napapagalitan ba siya ng director?

“Hindi naman po..kasi alam nila na baguhan pa lang po ako,” tugon niya .

Napapansin ang love team nila ni Maris Racal sa Hawak Kamay at lumalakas, nade-develop na ba sila sa isa’t isa?

“Puwede pong ma-develop kasi, ang tagal po ng bonding namin sa ‘PBB’, sobrang close na kami. Mas lalo na rito na love team ko siya, mas naging close pa kami,” sey ni Manolo.

Pabor ba siya sa love team nila ni Maris?

“Sa nakikita ko, opo,” mabilis niyang sagot.

Ang nakakaloka lang bina-bash si Maris sa social media dahil may original na ka-love team si Manolo sa PBB house, pero napalitan paglabas niya. Hindi raw niya control kung ano ang gusto ng management na i-partner sa kanya.

After Hawak Kamay, iiwan muna ni Manolo si Maris at ipa-partner siya kay Janella Salvador sa O.M.G. ka-love triangle si Marlo Mortel. Wala siyang reaksiyon na pampagulo siya sa dalawa basta’t go with the flow na lang daw siya.

Nag-uumpisa na raw ang workshop nila.

“Mabait po si Janella kasi nag-‘MMK’ po kami tapos ‘yun po baguhan pa lang ako, patience siya sa akin kahit experience na po siya,” sambit pa ni Manolo.

Talbog!

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald pamparelaks ang pag-akyat sa bundok

RATED Rni Rommel Gonzales MALAKING pribilehiyo kay Gerald Anderson na mapasama ang pelikulang Rekonek sa 51st Metro Manila Film Festival …

Jennifer Lee Mark Aries Luancing

Jennifer Lee ikinasal sa isang konsehal ng Lipa; Matagumpay na ring DJ

RATED Rni Rommel Gonzales NAGKAKILALA sina Jennifer Lee at Konsehal Mark Aries Luancing sa Lipa, Batangas noong 2021. Si …

Judy Ann Santos UFC

Judy Ann ibinahagi 12 meals/food for Christmas

RATED Rni Rommel Gonzales NAHINGAN si Judy Ann Santos, habang magpa-Pasko naman na, kung may …

Vice Ganda, Ion Perez pinaghahandaan pagkakaroon ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SINABI ni Vice Ganda, sa isang panayam na willing sila ni Ion Perez na …

James Reid Nadine Lustre Jadine

Nadine ayaw na nga bang makatrabaho si James?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAALIW naman kami sa latest interview kay Nadine Lustre. Bukod sa pagiging consistent …