Friday , November 15 2024

Malaya kang kumalas sa admin (PNoy kay Binay)

101614 Binay PNoyHINDI na nakapagpigil si Pangulong Benigno Aquino III para buweltahan si Vice President Jejomar Binay.

Ito’y kasunod nang pagbatikos ni Binay sa administrasyon sa kabiguang maresolba ang mga problema ng bansa gaya sa kahirapan, MRT at korupsyon gayon din ang Cabinet na miyembro ng trapo.

Sinabi ni Pangulong Aquino, kung may pagpuna ay dapat “constructive criticisms at magsabi ng solusyon.”

Ayon kay Pangulong Aquino, kung nakukulangan si Binay dapat siyang magsalita, bagay na hindi niya naririnig tuwing Cabinet meeting.

Kung hindi na aniya kontento o naniniwala sa kanilang direksyon o diskarte sa gobyerno, malaya si Binay na kumalas sa administrasyon.

VP mananatili sa gabinete

AGAD tinugon ng kampo ni Bise Presidente Jejomar Binay ang pahayag ni Pangulong Benigno Aquino III ukol sa malayang pagpapaalis sa kanya sa Gabinete sakaling may nakitang mali sa takbo ng administrasyon.

Sa tugon ni Binay, hindi na niya pinatulan ang tila patutsada at sinabing nananatili ang kanyang respeto kay Pangulong Aquino.

Sa pagiging bukas ng pintuan at pagbibitiw niya bilang housing head at OFW czar, sagot ni Binay: “I will continue to be a team player.”

Matatandaan, sinagot kahapon ni Aquino sa Calamba, Laguna ang naging kritisismo ni Binay noong Oktubre 23 sa Manila Hotel na nakahihiyang hindi nareresolba ng administrasyon ang problema sa bansa tulad ng trapik, MRT, kakapusan sa kor-yente at iba pa.

Banggit ng Pangulo, “may obligasyon ka (Binay) ibahagi ‘yung kaalaman mo para magkaroon nang mas hustong solus-yon.”

Ngunit nilinaw ni Aquino na nananatili ang kanyang tiwala kay Binay dahil aniya ang mga isyung kinahaharap ng bise presidente ngayon ay nag-ugat pa sa kanyang paglilingkod bilang alkalde ng Makati.

Hamon ni Pnoy sa kritiko tumakbo sa 2016 Pres’l Derby

NAPIKON si Pangulong Benigno Aquino III sa kritisismo sa kanya ng kaalyadong si Akbayan party-list Walden Bello kaya’t hi-nimok na sumali sa 2016 presidential derby para maisakatuparan ang mga kursunadang mangyari sa bansa.

Kamakalawa ay pinuna ni Bello ang aniya’y pangungunsinti ni Pangulong Aquino sa kanyang mga kaalyadong sangkot sa mga anomalya sa Disbursement Acceleration Program (DAP) at Priority Development Assistance Fund (PDAF).

“Siguro ang mungkahi ko na lang sa kanya, kung palagay niya ‘yung pananaw lang niya ang tama, ‘no, 2016 may election ng presidente baka gusto niyang lumaban doon at ‘pag siya na ang Presidente mapapatakbo niya ayon sa bisyon niya. Sa nga-yon, palagay ko ang ginagawa ko ang dapat gawin at ang tamang gawin,” sagot ng Pa-ngulo sa batikos ni Bello.

Kahit hindi tinukoy ng Punong Ehekutibo na si Budget Secretary Florencio Abad ang pinatamaan ni Bello na nagpanggap na progresibo, ‘yun pala’y trapo, ay ipinagtanggol niya ang kalihim. Bwelta ni Pangulong Aquino kay Bello, ang mambabatas ang utak-trapo dahil ang pananaw ay hindi dapat bigyan ng pondo ang mga lugar na mahihirap at kakaunti ang botante.

“Sorry ha…’Pag titingnan mo ‘yung article ang sabi niya — parang ang sinasabi, huwag tayong maglalagay ng pondo sa lugar na mahirap lalo na kung kakaunti ang botante. Hindi ba gano’n ang pananaw ng trapo?” anang Pangulo.

Si Abad ay mula sa Batanes na napaulat na nakinabang nang malaking bahagi ng pondo ng DAP at PDAF.

Rose Novenario

About hataw tabloid

Check Also

Dwayne Garcia

Dwayne Garcia, excited na sa kanyang debut single na “Taym Perst Muna”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SUPER-EXCITED ang newbie singer/actor na si Dwayne Garcia sa paglabas …

PDEA EDSA busway

Dumaan sa EDSA busway
PDEA vehicle tinekitan

INISYUHAN ng tiket ng Special Action and Intelligence Committee for Tr1ansportation (SAICT) ang driver ng …

Smuggled Sugar asukal

900 sako ng puslit na asukal nasamsam; 3 driver, 1 pahinante tiklo sa Zambo

ARESTADO ang apat katao dahil sa alegasyong pagpupuslit ng sako-sakong asukal sa Brgy. Cawit, sa …

gun ban

Search warrant ikinasa, illegal gun owner timbog

MATAGUMPAY na ipinatupad ng mga awtoridad ang search warrant para sa ilegal na pag-iingat ng …

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

SUSULONG na ang 4th Hon. Sen. Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament (2000 average …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *