ni Alex Brosas
AWARE kaya si James Reid na natsitsismis siyang beki?
Medyo nahilo kami sa chikang nakarating sa amin na bading daw ang ka-love team ni Nadine Lustre. Talagang napa-‘what?’ kami nang makarating sa amin ang chika.
According to the rumor, in a relationship daw itong si James sa kanyang BFF.
Ang feeling namin ay may naninira lang kay James. Mayroon lang sigurong naiinggit kaya ipinakalat ang chikang beki ang binata. Hindi siguro nila ma-take na sikat na sikat na ngayon si James.
No, hindi kami naniniwalang beki si James. Hindi porke tahimik siya at laging walang kibo sa isang sulok ay baklita na siya. Hindi man siya bad boy ay hindi naman siya bading, ‘no. Kung makinis at maganda ang balat ni James ay hindi pruweba iyon para tawagin siyang beki.
Basta, ang feeling namin ay sinisiraan lang si James dahil sikat na sikat na siya.