Monday , December 29 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bakasyon ni Ona ‘forced leave’ (Dahil sa Ebola)

110414 ONANILINAW ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III na walang kinalaman sa kalusugan ang pagliban o vacation leave ni Health Sec. Enrique Ona.

Taliwas ito sa inihayag ni Ona na ang dahilan ng kanyang leave of absence ay para magpagaling.

Sinabi ni Pangulong Aquino, may mga tanong sila kay Ona partikular sa vaccination campaign at iba pang isyung hindi niya masagot.

Ayon kay Pangulong Aquino, magkasalungat sila ng posisyon ni Ona kaugnay sa balanse ng prevention at panggagamot ng sakit partikular sa Ebola virus.

Hindi rin aniya masagot ni Ona ang kanyang tanong kung magpapatuloy sa pagtatrabaho bilang health secretary kaya humingi muna ng leave upang makompleto ang kasagutan.

Bukod dito, may isyu rin tungkol sa sinasabing kwestiyonableng pagbili ng mga sasakyan at gamit sa DoH, at pagbibigay prayoridad sa stem cell program imbes tinutukan ang ibang sakit o banta sa kalusugan ng mga Filipino.

Rose Novenario

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Batangas Rep ibinuking inang senadora sa budget insertions

INAMIN ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na may insertions sa pambansang budget ang …

Senate Senado

5 senador pasok bilang ‘most favorable’ senators

TATLONG miyembro ng mayorya at dalawa mula sa minorya ang pumasok sa top 5 ng …

Nartatez United Candelaria Doctors Hospital

Acting PNP Chief Nartatez Personal na Dumalaw sa mga Sugatang Pulis at Pinarangalan ang Nasawing Kasamahan sa Quezon

Pamumunong Nariyan Kapag Kailangan Hindi nag-atubiling magtungo si Acting PNP Chief PLTGEN Jose Melencio C. …