PORMAL nang sinampahan ng Department of Justice (DoJ) ng kasong paglabag sa Comprehensive Drugs Act sa Pampanga Regional Trial Court (RTC) ang apat Chinese national na naaresto sa magkahiwalay na raid at nakom-piskahan ng P7 bilyon ha-laga ng shabu.
Kabilang sa kinasuhan ng paglabag sa Sections 8 (Manufacture of Dangerous Drugs and/or Controlled Precursors and Essential Chemicals) ng RA No. 9165 sina Jayson Lee, Willy Yao alyas Jun Lee, at Near Tan alyas Tsoi.
Habang paglabag sa Section 11 (Posession of Dangerous Drugs) ang ikinaso laban kay Ying-ying Huang alyas Sophia, naaresto sa kanyang bahay sa Pampanga.
Sa resolusyon ng pa-nel of prosecutors na inaprubahan ni Prosecutor General Claro Arellano, may sapat na ebidensya laban sa mga dayuhan lalo pa’t nakakompiska ng ipinagbabawal na gamot nang isagawa ang pagsalakay sa bisa ng isang search warrant.
Matatandaan, noong Setyembre 12, isinagawa ang raid ng pinagsanib na pwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine National Police Anti-Illegal Drugs Special Operations Task Force (PNP-AIDSOTF) sa Richtown at Greenville Subdivision sa Pampanga.
Sa Richtown Subdivision, nakompiska ang 276 kilo ng shabu habang sa Greenville Subdivision ay185 kilo ng shabu.
Leonard Basilio