Monday , December 29 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Rox Tattoo (Part 2)

00 rox tatto

SI DADAY ANG NAGBIGAY NG KAHULUGAN SA BUHAY NI ROX

At sa bandang hapon naman, ang panga-ngalakal niya sa mga basurahan ng mga bas-yong botelyang plastik na pambenta sa junkshop.

Dose anyos noon si Rox nang sabay na namatay ang kanyang ama’t ina sa pagkabangga ng bus sa traysikel na sinasakyan nila. Nang maulila sa mga magulang ay walang kumupkop sa kanyang kamag-anak. Hikahos din kasi sa kabuhayan ang mga kadugo niya. Naging palaboy-laboy siya sa mga lansangan. Para makakain ay kinakailangan niyang mangalabit sa kahit sinong tao. Pero mabibilang sa daliri ang nagkukusang-loob na magbigay ng limos. Dahil nga walang-wala rin ang karamihan, at ang iba naman ay walang pakialam sa buhay ng iba.

Noon siya natutong magbanat ng buto. Tinutulungan niya sa pagbubuhat ng mga dala-dalahan ang mga kababaihang namamalengke sa pamilihang bayan. Pero baryang-barya ang kinikita niya roon, pa-lima-limang piso o sampung piso. Napilitan tuloy siyang sumama sa mga kapwa bata sa pangangalakal ng basura. Doon nga sila nagkatagpo ni Daday sa baha-ging iyon ng kanyang buhay. At madaling nahulog ang loob nila sa isa’t isa. At sa paglipas ng mahaba-habang panahon ay naging matatag at matibay ang kanilang samahan.

Nagkaroon ng halaga at kahulugan ang taglay na hininga ni Rox nang dahil kay Daday. Si Daday ay katulad niya napalaban sa mundo at sa mga hamon ng buhay. Minsan man ay hindi niya ito kinaringgan ng reklamo. Oo, ikinalulungkot niya ang dinaranas na masaklap na kapalaran hindi dahil para sa sarili, kundi dahil sa mga kapatid na minamahal. Panganay kasi sa anim magkakapatid. Namatay ang amang taxi driver na tinadtad ng saksak ng holdaper. At sa napakamurang edad na labingtatlong taon gulang noon ni Daday, nakaagapay na siya ng inang labandera sa pagtataguyod ng pamilya.

Noong magdi-disisais pa lamang si Daday ay marami nang kalalakihan ang huma-hanga sa likas na kagandahan niya: maganda ang mukha at kartada 10 daw ang katawan.

“Lalo pang seseksi ang batang ‘yan pag talagang dalagang-dalaga na…” ang pansin ng isang jeepney driver kay Daday na tumawid ng kalsada.

(Itutuloy

ni Rey Atalia

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Ashley Rivera white castle

Ashley Rivera bagong White Castle calendar girl

MATABILni John Fontanilla ANG aktres at content creator na si Ashley Rivera ang 2026 White Castle Whisky …

Judy Ann Santos UFC

Judy Ann ibinahagi 12 meals/food for Christmas

RATED Rni Rommel Gonzales NAHINGAN si Judy Ann Santos, habang magpa-Pasko naman na, kung may …

Taguig Childrens Park

Pinakamalaking children’s park sa Lungsod ng Taguig binuksan na sa publiko

PORMAL na binuksan sa publiko ang pinakamalaking Children’s  Park sa Taguig Ciity para sa mga …