Monday , December 29 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ritz, posibleng ‘di tanggapin sa Bb. Pilipinas (Dahil sa pagpapa-sexy…)

ni James Ty III

110314 ritz azul

NAKAUSAP namin ang TV5 star na si Ritz Azul sa laro ng PBA sa Araneta Coliseum noong isang gabi at sinabi niya sa akin na may plano siyang sumali sa isang beauty pageant sa susunod na taon.

Marami ang hindi nakaaalam na dating naging contestant sa mga ganitong klaseng timpalak si Ritz noong siya’y nasa Pampanga pa at hindi pa siya nagso-showbiz.

Kung tutuusin, 5’ 6″ ang taas ni Ritz kaya puwede siyang maging beauty queen tulad nina Venus Raj, Megan Young, at Valerie Weigmann.

Ngunit para sa akin, malaking hadlang para kay Ritz ay ang pagiging cover girl noon sa isang men’s magazine at kung sasali siya sa Bb. Pilipinas ay tiyak ay hindi siya papasok sa mga kandidata lalo na’t sobrang konserbatibo si Stella Marquez Araneta tungkol sa bagay na ito.

Ang payo na lang namin kay Ritz ay sumali sa Miss World Philippines, Miss Earth o Mutya ng Pilipinas na hindi gaanong istrikto ‘di tulad ng Bb. Pilipinas.

Samantala, mapapanood pa rin si Ritz sa Wattpad Presents: Casanova sa TV5 ngayong linggong ito.

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald pamparelaks ang pag-akyat sa bundok

RATED Rni Rommel Gonzales MALAKING pribilehiyo kay Gerald Anderson na mapasama ang pelikulang Rekonek sa 51st Metro Manila Film Festival …

Jennifer Lee Mark Aries Luancing

Jennifer Lee ikinasal sa isang konsehal ng Lipa; Matagumpay na ring DJ

RATED Rni Rommel Gonzales NAGKAKILALA sina Jennifer Lee at Konsehal Mark Aries Luancing sa Lipa, Batangas noong 2021. Si …

Judy Ann Santos UFC

Judy Ann ibinahagi 12 meals/food for Christmas

RATED Rni Rommel Gonzales NAHINGAN si Judy Ann Santos, habang magpa-Pasko naman na, kung may …

Vice Ganda, Ion Perez pinaghahandaan pagkakaroon ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SINABI ni Vice Ganda, sa isang panayam na willing sila ni Ion Perez na …

James Reid Nadine Lustre Jadine

Nadine ayaw na nga bang makatrabaho si James?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAALIW naman kami sa latest interview kay Nadine Lustre. Bukod sa pagiging consistent …