Monday , December 29 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Paulo, ipinakilala na ni kc kina mega at Sen. Kiko (Anak na si Aki, ipinakilala na rin kay KC)

101514 KC paolo

00 fact sheet reggeeMAY bago na naman palang project si Paulo Avelino sa ABS-CBN pero hindi pa pwedeng sabihin.

“Tinatapos ko po muna ‘yung isang pelikula ko na under Regal Entertainment and Reality (Films)), ‘yung ‘Mara’,” say ng aktor.

Tinanong si Paulo tungkol sa pagbabantay niya kay KC Concepcion nang magkasakit iyon dahil hinarana pa raw niya na ipinakita rin naman ng aktres sa kanyag IG account.

“Hindi naman po hinarana, nagkataon lang na may gitara, siyempre para gumaan din naman ‘yung pakiramdam niya (KC). Natuwa naman siya, magaling na siya ngayon,”nakangiting sabi ng aktor.

Ano naman ang masasabi ni Paulo sa pag-amin ni KC sa The Buzz na kaya agaran din ang paggaling niya ay dahil sa yakapsul, “ha, ha, ha bilang maysakit din naman ‘yung tao, gagawin mo rin naman lahat para gumaan ang loob at gumaling ang pakiramdam. Iyon po ba ang sabi (yakapsul), siguro ibinibigay din sa kahit sinong maysakit. Gusto mo rin gumaan ang pakiramdam.”

Maski na anong kulit ng entertainment press kay Paulo tungkol sa relasyon nila ay, “tulad ng parati po niyang sinasabi, bestfriends po kami at kung anuman ‘yung pumipigil sa kanya or kung ano ‘yung opinyon niya, nirerespeto ko po ‘yun.”

Ang bagong balita ay ipinakilala na raw ni Paulo si Aki (anak nila ni LJ Reyes) kay KC, “well, it’s a casual meet lang, short lang.”

Ayon pa kay Paulo ay masaya siya kung mamahalin siya ng babae kasama ang anak niyang si Aki.

Sa tanong namin kung gustong makatrabaho ni Paulo si KC dahil karamihan sa mga nagkakagustuhan o mag-dyowa ay ayaw nila maka-trabaho dahil nako-conscious.

“Tingnan natin, siyempre po marami rin naman tayong gustong maka-trabaho at okay lang sa akin,” kaswal na sabi ng aktor.

Tinanong namin kung may plano silang umalis ng bansa ni KC ngayong bakasyon, “ako po may planong lumabas ng bansa, hindi ko alam kung may plano siya, hopefully, baka puwedeng sabay.

At sa darating na Pasko ay may plano raw si Paulo, pero malabong makasama si KC dahil, “si Kristina (tawag niya sa dalaga) parati niyang kasama pamilya niya, nandoon po siya.”

Tinanong din namin ng solo si Paulo kung ipinakilala na siya ni KC sa magulang nitong sina Sharon Cuneta-Pangilinan at Senator Kiko Pangilinan.

“Opo, they were there sa hospital po, so nagkakilala naman na,” kaswal na sabi ng aktor.

Dahil madaldal si Mega, marami bang tinanong sa kanya bilang manliligaw sa panganay niya?

“Hindi naman po, tahimik po, wala namang sinabi, ngumiti lang,” say ni Paulo.

Parang nakikinita na namin na sinipat-sipat ni Mega si Paulo habang tumitingin kay KC na I’m sure nakangiti rin.

Hmm, curious tuloy kaming tanungin si Sharon kung boto siya kay Paulo para sa anak ngayong nakaharap na niya.

ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald pamparelaks ang pag-akyat sa bundok

RATED Rni Rommel Gonzales MALAKING pribilehiyo kay Gerald Anderson na mapasama ang pelikulang Rekonek sa 51st Metro Manila Film Festival …

Jennifer Lee Mark Aries Luancing

Jennifer Lee ikinasal sa isang konsehal ng Lipa; Matagumpay na ring DJ

RATED Rni Rommel Gonzales NAGKAKILALA sina Jennifer Lee at Konsehal Mark Aries Luancing sa Lipa, Batangas noong 2021. Si …

Judy Ann Santos UFC

Judy Ann ibinahagi 12 meals/food for Christmas

RATED Rni Rommel Gonzales NAHINGAN si Judy Ann Santos, habang magpa-Pasko naman na, kung may …

Vice Ganda, Ion Perez pinaghahandaan pagkakaroon ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SINABI ni Vice Ganda, sa isang panayam na willing sila ni Ion Perez na …

James Reid Nadine Lustre Jadine

Nadine ayaw na nga bang makatrabaho si James?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAALIW naman kami sa latest interview kay Nadine Lustre. Bukod sa pagiging consistent …