ISINUMITE na ng Bangsamoro Development Agency sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang blueprint para sa rehabilitasyon at pagpapaunlad ng mga lugar na naapektohan ng gulo sa Mindanao.
Batay sa blueprint na inihain kahapon, mula sa transition period hanggang sa halalan ng opisyal ng Bangsamoro political entity, kakailanganin ang P110 bilyong pondo partikular para sa pagpapa-tayo ng mga impraestruktura at pagpapaunlad ng sektor ng agrikultura at edukasyon sa mga lugar na naapektohan ng gulo.
Isasapubliko ng MILF ang plano sa Philippine Development Forum sa Nobyembre 5 at 6 sa Davao City na dadaluhan din ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.
Naniniwala si MILF Chairperson Murad Ibrahim, magbubunga ang plano nang mas mabu-ting serbisyo ng gobyerno, pagdami ng trabaho at kapayapaan sa rehiyon.