NAGULANTANG at nagulat ang mga empleyado ng Bureau of Customs (BoC) dahil sa biglang pag-serve ng NBI ng subpoena sa kanila kaugnay sa issue ng pag-imprenta ng accountable forms na hindi umano dumaan sa tamang proseso.
Ang dapat kasi ang accountable forms ng gobyerno ay dadaan sa National Printing Office.
Noong nakatanggap ng report ang NBI Anti-Graft Division ay agad ipinatawag sa NBI si BiC Director Lejos para imbestigahan.
May report na ipinatawag din ang isang Director ng NPO na nakatakdang magsiwalat ng katotohanan sa mga nangyayari ngayong hokus-pokus sa mga accountable form.
At kapag napatunayan at naidokumento ang mga ebidensiya na may anomalya sa imprenta ng accountable forms ng NBI ay posibleng masampahan ng kaso ang Director ng NPO at BoC.
Bilib talaga ako sa NBI pag nagtrabaho at nag-imbestiga ay pulido at hindi bara-bara.
Keep up the good work NBI anti-Graft Division!
DTI clearance cause of delay sa customs
Alam ba ninyo, kaya masyadong nade-delay ang mga trabaho ng BoC at tumitindi ang port congestion ay dahil sa mabagal na pagpoproseso ng clearances sa DTI ng mga negosyante.
Maawa naman kayo sa mga negosyante dahil sila ang nagpapalakas sa ekonomiya ng ating bansa.
Sangkatutak na rekisitos ang hinihingi kahit tapos nang makompleto ay matetengga naman sa DTI ang clearance sa product importation.
Kailan bibilis ang pag-issue ninyo ng clearance DTI Sec. Gregory Domingo?
Due process kay Ex-Boc Davao Collector
Naniniwala ako na hangga’t di pa natatapos ang imbestigasyon kay former Customs Davao district collector retired Gen. Aradanas ay hindi pa rin siya maituturing na guilty sa isyung ibinabato sa kanya lalo na kung ang basehan ay haka-haka lamang.
Alam ninyo mahirap magtanim ng pagpapahirap sa kapwa dahil lahat ng kapangyarihan na ibinigay sa atin ay pansamantala lamang. Mahirap mabalikan ng tinatawag na universal karma.
Kaya ‘wag muna natin husgahan ang isang mabuting opisyal na kagaya ni ret. Gen. Aradanas.
Jimmy Salgado