Sunday , August 10 2025

Kelot utas sa pedicab driver

PATAY ang isang lalaki makaraan saksakin ng pedicab driver na kanyang kinutusan kamakalawa sa Malabon City.

Hindi na umabot nang buhay sa Pagamutang Bayan ng Malabon (PBM) ang biktimang si Joel Ultra, 39, ng #45 Bonifacio St., Brgy. Baritan ng nasabing lungsod, sanhi ng saksak sa leeg at kaliwang bahagi ng katawan.

Habang tinutugis ng pulisya ang suspek na si Mark Hidalgo, alyas Macdo, 25, pedicab driver, ng Phase 2, Kapalaran St., Brgy. San Roque, Navotas City.

Base sa imbestigasyon nina PO3 Rommel Habig at PO1 Junny Delgado, dakong 5:30 p.m. nang maganap ang insidente sa tapat ng bahay ng biktima sa nasabing lugar.

Napag-alaman, nadaanan ng biktima ang suspek habang kumakain sa Tawiran 4 (boat terminal).

Biglang kinutusan ng biktima ang suspek bilang ganti sa pagkuha ng salarin sa sun glasses ni Hidalgo.

Bunsod nito, nagalit ang suspek, kumuha ng patalim at inundayan ng saksak ang biktima.

Rommel Sales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

JInggoy Estrada

Sen. Jinggoy pinangalanan
3 OPISYAL NG DPWH NA SANGKOT SA PAGGUHO NG ISABELA BRIDGE

TAHASANG tinukoy ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada ang tatlong opisyal ng Department of …

DOST Catfish Farming PDLs BJMP CDO City Jail

Hope Beneath the Surface: Catfish Farming Brings Livelihood and Rehabilitation to PDLs at BJMP CDO City Jail

A transformation is unfolding inside the walls of the BJMP Cagayan de Oro City Jail …

Laban Konsyumer Inc LKI Electricity

NEA binatikos ng konsyumer vs pagkokompara sa ‘di-patas na singil

BINATIKOS ng grupong Laban Konsyumer Inc. (LKI) ang National Electrification Administration (NEA) dahil sa anila’y …

BIR money

Bilyong piso nawawala sa gobyerno — BIR
AHENSIYA vs ILEGAL NA KALAKALAN DAPAT ITATAG —  NOGRALES

NANINIWALA si Philippine Tobacco Institute (PTI) President Jericho Nograles na kailangang bumuo ang pamahalaan ng …

Lipstick Risa Hontiveros

Senadora pinag-usapan sa mumurahing lipstick

GINAWANG headline kamakailan ang lipstick ni Senator Risa Hontiveros dahil mumurahin lamang ito. Ayon sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *