Monday , December 29 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kazakh volleyballer pinakabagong internet sensation

Kinalap ni Tracy Cabrera

110314 Sabina Altynbekova Kazakh volleyball
KINAILANGAN lang ang ilang araw para marating ni Sabina Altynbekova, isang under-19 female volleyball player mula sa Kazakhstan, ang inaasam ng karamihan—ang instant stardom.

Makaraang maglaro sa isang youth tournament sa Taipei, ang kabigha-bighaning Kazakh volleyballer ay mayroon nang 200,000 subscriber sa kanyang Instagram account, isang bagay na hindi inasam o inasahan ng dalaga.

Opisyal na naging viral ang trending kay Altynbekova matapos madiskubure na siya ay naglaro sa 2014 Asian Junior Women’s Volleyball Championship at sa edad na 17, siya ang latest athlete na maging Internet famous.

Narito ngayon ang ilang bagay na dapat malaman sa magandang atleta:

1. Naiinis ang coach ni Sabina na si Nurlan Sadikov dahil sa kanyang kagandahan. Ayon nga sa mga ulat, nagagalit dahil maraming taong tumititig sa dalaga. “Napaka-imposibleng magtrabaho nang ganito. Parang ang nakikita lang ng mga tao ay iisang player na nasa kampeonato,” pahayag ni Sadikov, ayon sa Yahoo Sports.

2. Kahit anong tindi (intense) ng paglalaro ni Sabina, nananatiling perfect ang kanyang buhok.

3. Normal 17-year-old girl si Sabina at totally active siya sa kanyang Twitter account, na makikita ang kanyang mga larawan kasama ang kanyang teammates at mga kaibigan—at, siyempre, maraming cute na selfie!

4. Inamin din ni Sabina na ang worldwide attention sa kanya ay overwhelming! “Na-flatter ako noong una pero medyo nakalulunod na,” ani Sabina, ayon sa Yahoo Sports. “Gusto kong mag-concentrate sa paglalaro ko ng volleyball at maging sikat dahil dito, at hindi sa ibang bagay.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Ashley Rivera white castle

Ashley Rivera bagong White Castle calendar girl

MATABILni John Fontanilla ANG aktres at content creator na si Ashley Rivera ang 2026 White Castle Whisky …

Judy Ann Santos UFC

Judy Ann ibinahagi 12 meals/food for Christmas

RATED Rni Rommel Gonzales NAHINGAN si Judy Ann Santos, habang magpa-Pasko naman na, kung may …

Taguig Childrens Park

Pinakamalaking children’s park sa Lungsod ng Taguig binuksan na sa publiko

PORMAL na binuksan sa publiko ang pinakamalaking Children’s  Park sa Taguig Ciity para sa mga …