ni JOHN FONTANILLA
DAHIL daw sa pag-aaral kaya lumamlam ang singing at acting career ni Bryan Termulo at hindi niya raw ito pinagsisisihan lalo na‘t ga-graduate na siya sa kursong AB Masscommunication sa Trinity University of Asia.
“Siguro sa lahat ng mga singer and actor dumarating sa buhay nila ‘yung ganoon eh, na nawawalan ng projects o katulad ng sinasabi mong lumalamlam ang career.
“Sabi nga natin bilog ang mundo minsan nasa ibabaw ka minsan naman nasa ilalim ka.
“’Yun nga ‘yung time na bababa ka ng kaunti after mong maka- experience na nasa taas ka, parang cycle of life lang ‘yan hindi palaging nasa itaas ka, darating din sa punto ng buhay na bababa at bababa ka at dapat handa ka roon.”