Monday , November 18 2024

Buhay na buhay na naman si Lito ‘Bulaklak’ Atienza

OY! Buhay ka na naman.

Akala natin ‘e tuluyan nang itinikom ni Velarde ‘este Buhay party-list congressman Lito Atienza ang kanyan bibig.

Kamakailan ay panay ang ingay at humihirit na pagdebatehan ang 2016 national budget at sa isang media forum ay muntik pa silang magkapikonan ni overseas Filipino workers (OFW) party-list Rep. Roy Señeres.

Hindi talaga pwede na walang issue sa bansa na hindi n’ya sasakyan gaya nang pumutok ‘yung isyu tungkol sa Instagram post ng bunsong anak ni Vice President Jejomar Binay na inilarawan ang isang lugar sa Batangas na, “In our place …”

Hindi kasi ito nakalusot sa matatalas na pang –amoy ni Sen. Allan Peter Cayetano maging ang Instagran ng bunsong anak ni VP Binay kaya ito ay naihayag sa TV.

Para kay Senator Cayetano, isa itong ebidensiya kaugnay ng iniimbestigahang tagong yaman ng mga Binay at ang kontrobersiyal na pinag-uusapan ngayon na Hacienda Binay sa Rosario Batangas.

Pero ang ipinagpupuputok daw ng betlog ‘este butse ni Atienza ‘e iyong kinaladkad daw maging ang bunsong anak ni VP Binay na walang kinalaman sa imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee?!

Ganito lang po ang masasabi natin dito, toddler, teenager o nasa legal na edad man ang anak ni VP Binay, ang sustansiya ng pinag-uusapan ay ‘yung esensiya at sustansiya ng sinasabing “Our place in Batangas …”

Paano ito masasabi ng batang Binay sa kanyang Instagram kung hindi niya nakamulatan o ipinaintindi sa kanya na iyon ay sa kanila o pag-aari nila?!

Sinungaling o nagyayabang lang ba ang batang Binay?!

Wala rin itong ipinag-iba sa mga anak ni Napoles na nagbuyangyang ng kanilang katakot-takot na yaman sa Facebook.

Kaya nga nalaman ng sambayanang Filipino ang lavish lifestyle ng anak ni Janet Napoles!

Sabi nga, pwedeng mambola ang isang bata pero hindi niya kakayanin nang matagal ang pambobola kung nagsisinungaling siya.

Kanya-kanyang buhay-buhay lang ‘yan Cong. Lito Atienza …pero higit sa lahat, katotohanan lang ang magpapalaya sa mga kababayan mo, lalo ng mga Manileño …

Ano sa palagay ninyo mga suki!?

About hataw tabloid

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *