Tuesday , March 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bigkis, official entry sa QCinema International Film Festival

110314 mike tan LJ reyes

00 Alam mo na NonieISA ang pelikulang Bigkis sa official entry sa QCinema International Film Festival. Produced ito ng BG Productions International nina Ms. Pablita Go, Mario Pacursa, at Romeo Lindain. Ito’y isang advocacy film na nagpapakita kung gaano kahirap manganak sa isang pampublikong hospital.

Ang Bigkis ay sa direksiyon ni Neal Tan at tinatampukan nina LJ Reyes, Mike Tan, Rosanna Roces, Enzo Pineda, Rich Asuncion, Pancho Magno, Perla Bautista, Rico Barrera, at Lauren Young.

Gumanap si LJ dito bilang isang batang ina at ayon sa aktres, marami siyang natutunan sa kanilang pelikula. Ayon pa sa kanya, isa itong eye opener sa mga kababaihan, lalo na ang mga nabuntis sa maagang edad.

“Marami pong aral na mapupulot dito. Ang advocacy po nito ay breastfeeding talaga, pero marami po akong natutunan behind sa advocacy namin dahil sa location namin sa Fabella Hospital. Ang dami talagang struggle sa mga public hospital dito sa Pilipinas,” saad ni LJ.

Sa panig naman ni Mike, masaya siyang maging bahagi ng isang advocacy film na tulad ng Bigkis. “Kasi ang masaya rito, ang mga tulad naming artista, hindi ka lang gawa ng gawa ng pelikula para lang kumita ng pera. At least ito, makakatulong sa mga tao. Kumbaga ay may katuturan, may-aral, iyon ang maganda sa isang pelikula.”

Ang Bigkis ay magkakaroon ng Gala Premiere sa November 6, 2014, 8 pm sa Trinoma Cinema 3 at isa pang screening sa November 7 sa ganap na 12:30 ng hapon, sa parehong sinehan.

 

ni Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Arjo Atayde Maine Mendoza

Arjo nagpakilig sa kaarawan ng asawang si Maine 

MATABILni John Fontanilla MADAMDAMIN at punompuno ng pagmamahal ang birthday message ni Quezon City District …

Kip Oebanda Odette Khan

Veteran actress Odette Khan bumubuti na ang kalagayan

I-FLEXni Jun Nardo NAGBIGAY ng update ang writer-director ng Bar Boys na si Kip Oebanda sa kalusugan ng veteran …

Dr Michael Raymond Apacible Aragon Salome Salvi Tiyo Bri

Adult content creater Salome Salvi idinemanda ng KSMBPI 

I-FLEXni Jun Nardo NAKU, sinampahan na ng reklamo ang sexy actress turned adult content creator …

Bong Suntay Anne Curtis

Bong Suntay kinondena ng AKTOR sa pambabastos kay Anne Curtis 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KINONDENA at hindi pimalampas ng League of Filipino Actors (AKTOR) ang pambabastos ni …

Arron Villaflor Pater Noster

Arron Villaflor lalong dumami nagpapantasya

MARAMING beki ang nagpapantasya kay Arron Villaflor dahil talaga namang gwapo at flawless ang aktor/politiko. Subalit mas …