Monday , February 16 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Atty. Ferdinand Topacio halos pakyawin ang FHM cover ng PBB teen big winner (No. 1 supporter kasi ni Myrtle Sarrosa …)

110314 topacio myrtle

00 vongga chika peterWALA naman pa lang dapat ika-shock ang fans ni Myrtle Sarrosa sa pag-pose niya sa M bilang cover girl this month of November. Kasi kung pagmamasdan ay very artistic naman lahat ng shots ni Myrtle na nagpa-seksi man ay respetado pa rin ang dating.

Actually bago pumayag ang nasabing 2012 Big winner ng PBB Teen Edition 4, marami siyang taong hiningian ng advice kung tama ba o mali na mag-FHM siya. Kasi nga naman ang worry ng Kapamilya youngstar ay wholesome ang ipino-project niyang images kaya dapat sigurado siya bago sumalang sa pictorial. At isa sa nahingan ni Myrtle ng payo ang kanyang no.1 supporter na si Atty. Ferdinand Topacio. Nag-meet na kasi sila minsan ni Atty. Ferdie sa rally para sa Anti Pork-Barrel. After ng pagkikita nilang ‘yun ay hindi na naputol ang communication ng dalawa sa isa’t isa. Sobra ang admiration ng BFF at labs namang abogado kay Myrtle. Hanga siya sa katalinohan ng dalaga at pagpapahalaga sa edukasyon. Maganda rin ang advocacy niya para sa ating bansa kaya naman mas lalo pa niya itong kinabiliban. Para maipakita ang suporta kay Myrtle, umorder siya ng 100 copies ng FHM cover nito. Ganyan talaga si Atty. Topacio sa mga star na nagiging malapit sa kanya all-out ang support niya sa career nila.

Samantala sa darating na November 7, bukod kay Claudine Barretto at Deniece Cornejo ay kabilang rin si Myrtle sa mga invited celebrity guest ng sikat na abogado sa kanyang birthday party na gaganapin sa kanyang sosy condo sa Pasig. Malay natin at baka i-surprise ni Bea Binene si attorney at dumating bigla sa party.

Wat d’ya think gyud!

ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Kapuso Foundation Sagip Dugtong Buhay Debbie Lopez Ariel Daluraya

Kapuso Foundation Sagip Dugtong Buhay matagumpay

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang katatapos na Kapuso Foundation Sagip Dugtong Buhay Bloodletting na ginanap noong February …

Nadine Lustre Leni Robredo

Nadine muling susuportahan si Leni sakaling tatakbong pangulo

MATABILni John Fontanilla MALAYO pa man ang presidential election ay very vocal na si Nadine Lustre sa …

2026 Blue Falcon Awardees V Mapa HS Grand Alumni Homecoming

2026 Blue Falcon Awardees pararangalan sa 2026 V. Mapa HS Grand Alumni Homecoming 

MATABILni John Fontanilla ISA ang inyong lingkod sa bibigyang parangal sa gaganaping 2026 Victorino Mapa High …

Nadine Lustre Christophe Bariou Daniel Mac

Nadine at Christophe trending interview ni Daniel Mac

MATABILni John Fontanilla PINAG-USAPAN sa social media ang latest vlog ng American content creator na …

Heart Evangelista APAC Top Key Voices

Heart kayang makipagsabayan malalaking pangalan sa luxury fashion industry

I-FLEXni Jun Nardo PATULOY ang pamamayagpag ni Heart Evangelista sa global fashion stage. Muling pinatunayan ng Global …