Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Arnold Reyes, nagpasasa sa alindog ni Michelle Madrigal

110314 Arnold Reyes Michelle Madrigal

00 Alam mo na NoniePINURI ni Arnold Reyes si Michelle Madrigal dahil sa propesyonalismo ng magandang aktres. Magkasama sina Arnold at Michelle sa pelikulang Bacao na official entry sa Sineng Pambansa Horror Plus Film Festival mula Oct. 29 to Nov. 4 sa SM Cinemas nationwide.

“Sobrang professional ni Michelle, sobrang bait niya. Wala kaming nagging problema na makatrabaho si Michelle. Isa siyang mainstream actress at kinabahan ako noong una dahil naisip ko kung paano ko kaya pakikisamahan si Michelle.

“Pero actually, noong nagkita na kami, tawa na lang kami nang tawa. Kahit iyong mga love scene namin ay naging light lang. Dahil ang attitude towards work ay magaan e.

“Iyong mga nuances niya ay gustong-gusto ko, napaka-natural. Kaya sana ay magkasama pa kami sa iba pang projects,” esplika ni Arnold.

Ang Bacao na mula sa Oro de Siete Productions Incorporated ay hinggil sa isang magandang babae na pinagnanasaan ng mga kalalakihan sa isang baryo. Wala pa silang anak ng asawa niya kaya handa nilang gawin ang lahat para magka-anak.

Paano mo inalalayan si Michelle sa mga love scene ninyo?

“Every time na gagawin namin iyong mga love scene ay talagang iniingatan ko siya. Siyempre, kailangan na makatotohanan pero dapat na may pag-iingat ako kay Michelle para naman hindi siya madala.

“Ginawa namin ang mga eksena rito dahil kailangan at naniniwala kami sa project. At siyempre ay mataas ang respeto namin sa aming direktor, kay Direk Edgardo ‘Boy’ Vinarao.

“Kahit ano ang ipagawa niya sa amin ay ginagawa namin, so, dumami ang mga love scene na ginawa namin dito,” esplika ni Arnold.

Dagdag pa niya, “Kung saan-saan po kami nag-love scene rito, sa banyo sa sala, sa maisan. Kaya pag-uwi namin ay sugat-sugat ho kami rito,” nakangiting wika pa ng aktor.

ni Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …