ni James Ty III
TUNGKOL pa rin sa beauty contest, aktibo ngayon ang dating Bb. Pilipinas na si Ali Forbes sa pagtulong sa mga nais sumali sa mga ganitong klaseng patimpalak.
Host si Ali ngayon ng reality show na Pinay Beauty Queen Academy na napapanood tuwing Sabado ng gabi sa GMA News TV Channel 11, 9:45 p.m..
Tatagal ang nasabing reality show hanggang sa Disyembre at ayon kay Ali, kahit produced lang ito ng isang blocktimer, kahit paano’y marami pa ring nanonood.
“Our duty is just to prepare our contestants for beauty contests,” say ni Ali. ”The winner earns a million pesos plus other prizes but that does not guarantee that she will automatically qualify for a beauty pageant. Yung mananalo, siya na ang bahala kung saang beauty pageant gusto siyang sumali.”