NAKALULUNGKOT ang kuwento ng isang kaibigang may concern sa isang TV host/actor na madalas na namang makita ito sa casino.
Ayon sa kuwento, balik-Solaire Resort and Casino si TV host/actor na madalas pumupuwesto sa VIP room. Ibig sabihin, balik-pagsusugal na naman ito.
Mukhang naglagi raw si TV host/actor ng dalawang araw sa Solaire. Ibig sabihin, halos hindi ito umuwi dahil abala sa pagsusugal. Ang siste pa, malungkot ang hitsura ni TV host/actor, ibig sabihin natatalo ito.
Naku, kapag hindi nagbago itong si TV host/actor, baka maubos ang yamang pinagpaguran niyang ipundar. Baka bumalik siya sa dating kinalalagyan. Huwag naman sana. At sana, magising na siya habang may natitira pa sa kanyang mga naipundar. Baka magising tayong nasa kangkungan na pala uli si TV host/actor.
HNT