Pagkatapos ng malaking tagumpay ng JaDine love team nina James Reid at Nadine Lustre sa one month long episode ng dalawa sa “My App Boyfie” sa WANSAPANATAYM.
Simula ngayong Linggo, November 2, ang tambalang Kathryn Bernardo at Khalil Ramos naman ang bibida sa “Puppy Ko Si Papi.” Abangan ang istorya ni Iris (Kathryn) na panganay na anak sa dalawang magkakapatid, college freshman, gustong maging independent sa pagiging over-protective ng kanyang ama na ginagampanan ni Dominic Ochoa. Hindi tulad ng ama at kapatid, ayaw ni Iris sa mga hayop. Gagampanan naman ni Khalil ang character ni Jeff, na kaibigan ni Iris na may gusto sa dalaga at gusto siyang ligawan. Kaso palaging pinipigilan ng tatay ni Iris dahil over protective nga sa anak. Agaw-eksena naman si John “Sweet” Lapus sa kanyang papel bilang Madam Bobola na isang Mysterious magical figure na siyang gumawa ng transformation ritual, na nag-transform kay Douglas. Mapanood ang episode na ito ni Kathryn pagkatapos ng “Goin Bulilit” sa Kapamilya network.
ni Peter Ledesma