Monday , November 18 2024

“Squid-tactic” ni Binay buking, binigo; Sa SC, delayed pati suweldo

NABIGO ang dalawang tagatahol ni Vice President Jejomar Binay at upahang gatecrashers nang palayasin ng mga senador nang magtangkang umeksena sa pagdinig ng Senado kahapon.

Tama ang ginawa ng mga senador kina Atty. JV Bautista at Navotas Rep. Toby Tiangco dahil tahasang pambabastos ito sa Senado bilang institusyon na binigyan ng karapatan ng Konstitusyon na busisiin kung may naganap na anomalya sa paggasta sa kaban ng bayan.

Hindi umubra ang squid tactic ng kampo ni Binay na ilihis ang kinakaharap na isyu ng katiwalian ng Vice President.

Nabigo silang kaladkarin ang Senate hearing sa agenda na gusto nila, ito’y palabasin na demolition campaign lang ng admnistrasyong Aquino ang pagbubulgar ng mga kuwestiyonableng yaman ni Binay.

Ayaw nilang aminin sa kanilang mga sarili na ang paglaban sa korapsyon ay tungkulin ng bawat mamamayan, hindi ito esklusibong karapatan ng mga nasa gobyerno.

Kung may mga lumabas na testigo na nagpapatunay na may illegal na yaman ang mga Binay, malinaw na ginampanan lang ng mga saksi ang kanilang obligasyon bilang mga responsableng mamamayan ng Pilipinas.

Kung sa palagay ng kampo ni Binay ay nagsisinungaling ang mga testigo, kailangan humarap ni Binay sa Senate hearing at dalhin ang mga dokumento na magpapatunay na siya ang nagsasabi ng toto.

Ganu’n lang kasimple ang isyung ito pero ginagawang komplikado ng kampo ni Binay para ikubli ang katotohanan.

 PIERCING SHOTS . . .

IBA ANG THREAT SA WALANGHIYA – Hindi raw dapat sensitive si Jim Paredes, sabi ni Sen. Nancy Binay, dahil siya man daw, tulad ng singer, ay marami ring natatanggap na banta sa Twitter.

Para pala kay Sen. Nancy ay iisa o pareho lang lang ang kahulugan ng salitang banta sa walanghiya!

***

ANG UNANG UMARAY ANG MAY SUGAT – Mabilis na dumepensa si Sen. Nancy na walang kinalaman ang kanyang pamilya sa nagbanta kay Paredes kahit wala naman na nag-akusa sa kanila.

Sabi nga, ang unang umaray, ang may sugat!

***

SI BINAY ANG MAY-ARI NG BATANGAS FARM – Tahasang inamin ni Binay kay veteran journalist Raissa Robles noong June 29, 2010, binili niya ang ekta-ektaryang farm sa Rosario, Batangas, pero ngayong iniimbestigahan na siya ng Senado, itinanggi na niya na kanya ito.

Ang sinungaling ay kapatid ng magnanakaw!

 FEEDBACK . . .

PATI SALARY SA SC DELAYED – Hindi lang pala sa “Justice delayed, justice denied” kilala ang Korte Suprema, kundi maging sa pagpapasuweldo ng mga court employees ay makupad din sila.

Paano uusad ng mabilis ang proseso ng pagbibigay ng katarungan sa ating bansa kung ang mga empleyado na katuwang ng mga hukom ay kumakalam ang sikmura?

Nakapagtataka lang na ang mga usapin na hindi sakop ng kapangyarihan ng SC ay pinakikialaman ng mga mahistrado, pero ang tunay nilang responsibilidad ay binabalewala nila.

Nag-text sa atin ang isang court employee upang humingi ng tulong dahil hindi raw nabibigyan ng hustisya ang sitwasyon ng mga pangkaraniwang empleyado ng SC.

Basahin po natin ang kanyang hinaing:

“Isa po akong empleyado ng Supreme Court na nagta-trabaho sa Regional Trial Court.

Maari n’yo po bang bigyan ng komentaryo ang madalas na late na pagbibigay ng mga benepisyo ng Supreme Court sa amin, sa lower court.

Madalas po, bago namin matanggap ang benepisyo ay naipapangutang na namin para po matugunan ang aming pang araw-araw na pangangailangan. Tapos po, ‘yung suweldo na dapat ibinibigay sa amin ng maaga ay halos gabi na kung ipasok sa aming mga ATM.

Sana po, matulungan n’yo kami dahil hindi po patas ang pagtingin sa aming mga taga-lower court ng Punong Mahistrado pagdating sa mga benepisyo.” <094368…./Oct. 29>

***

(Para sa sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang liham sa e-mail address: [email protected])

 Percy Lapid

About hataw tabloid

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *