Monday , November 18 2024

Positive chi pakilusin sa trabaho

081114 happy worki employee

UPANG maging matagumpay sa ano mang trabaho, pakilusin ang positive chi.

00 fengshuiIKAW ay nagiging maingat ngayon sa pag-aayos ng mga bagay-bagay at paglalagay ng kulay sa mga ito sa pag-aakalang ito ay may matinding implikasyon sa iyong career. Katunayan, ang pagpapaganda at pagbabalanse sa iyong office space ay masasabing kritikal, dahil kung walang harmony, magsisimula kang panghinaan ng loob.

Ikonsidera ang iyong Feng Shui office sa oportunidad na may mailahad sa iyong career, mula sa productivity tungo sa profitability, ano man ang iyong line of work sa iyong opisina.

Ngunit paano nga ba nakatutulong ang Feng Shui para magtagumpay sa iyong trabaho? Ito ay sa pamamagitan ng pagpapalago sa lahat ng bagay na may kaugnayan sa iyong opisina. Narito ang ilang tips na maaaring gawin sa ano mang uri ng trabaho sa pamamagitan ng pagpapakilos ng positive chi sa iyong opisina:

Protektahan ang iyong sarili sa makabagong paraan.

Sa tuwing ikaw ay nagtatrabaho, gingagampanan mo ito nang mahusay di ba? Kung ikaw ay nakikipagtrabaho sa iyong mga kliyente, ginagawa mo ang iyong lahat ng makakaya para makapag-iwan ng isang magandang impresyon. Ang Feng Shui ay nagbibigay ng tsansang palakasin ang iyong positive chi at pawiin ang mga negatibong chi.

Karamihan sa mga nagtatrabaho ay pinipili ang entrance ng opisina, kung posible, lumikha ng isang barrier sa iyong mesa sa pagitan ng outside world at ng iyong sarili. Ito ay matatag na parte ng Feng Shui design, at isang daluyan ng positive chi. Ang abilidad na tingnan ang isang bintana ay kritikal, ngunit hindi rin naman maaaring walang bintana ang iyong opisina.

Alamin ang kulay ng kayamanan.

Maraming tao ang hindi nakakaalam na ang kulay ay maaaring makaapekto sa kanilang buhay, lalo na pagdating sa pinansyal na aspeto. Sa pagpili ng rich purples, halimbawa, ito ay simbolo ng prosperidad, at kung ito ay dadagdagan mo ng itim, puti at asul, ito ay magdudulot ng tagumpay. Hindi kailangang mamahalin ang paglalagay ng dekorasyon dahil mayroon namang basikong paraan para makapagsimula sa hakbanging ito.

Ang Feng Shui ay tumutukoy sa harmony at balance, ngunit ito rin ay salamin ng proteksyon, seguridad, kaalaman, tagumpay at iba pa. Ito ay pagkakaroon ng mga bagay sa pag-angkin ng mga ito, maaaring sa loob ng isang opisina, bahay, bakuran o saan maging lugar.

 

ni Lady Choi

About hataw tabloid

Check Also

Krystall Herbal Oil, mosquito bite, Kagat ng lamok

‘Papak ng lamok’ sa Dengue season pinahina ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Krystall herbal products

OFW tuwang-tuwa sa mga pabaon na produktong Krystall ng FGO

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sister Fely Guy Ong, Ako po ay …

DOST 1 Director Champions Gender Sensitivity and Mainstreaming at ISPSC

DOST 1 Director Champions Gender Sensitivity and Mainstreaming at ISPSC

Dr. Teresita A. Tabaog, Regional Director of the Department of Science and Technology Region 1 …

Hotel Sogo NCIP MOU Signing

Hotel Sogo and NCIP Forge Partnership to Support Indigenous Communities

A Memorandum of Understanding (MOU) was signed between the Hotel Sogo and National Commission on …

NIVEA South Korea

Nivea’s 10 out of 10 care celebration continues, empowering you to embrace your glow

NIVEA, your trusted skin care partner, recently marked a significant milestone in its commitment to …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *