Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Lloydie at Angelica, magpapakasal na sa US (Aktor, may tampo raw sa ABS-CBN?)

103114 lloydie angelica

00 fact sheet reggeeBIRONG seryoso ang sagot ni John Lloyd Cruz sa tanong sa kanya ng mga katoto kung bakit ayaw pa niyang mag-renew ng kontrata niya sa ABS-CBN.

Say ng katotong nakatsikahan ng aktor sa ginanap nitong product endorsement, “tinanong kasi siya tungkol sa kontrata niya kung bakit hindi pa siya pumipirma, sabi niya ‘pinag-iisipan ko pang mabuti kung magre-renew ako, kasi paalis kaming pamilya, magbabakasyon kami kasama si Angelica (Panganiban). Malay n’yo hindi na ako bumalik? Joke!’” ‘yan ang eksaktong sabi niya sa amin.

“Pakiramdam naming lahat, may plano ng magpakasal sina Lloydie at Angelica kasi kasama ang parents tapos imi-meet pa nila ang daddy ni Angelica, so anong ibig sabihin niyon? Bonding lang? At saka magtatagal yata sila, eh.”

Nabanggit namin sa aming kausap na babalik pa si JLC kasi gagawa sila ng pelikula ni Sarah Geronimo sa susunod na taon.

Balik-tanong sa amin ng katoto, “tuloy pa ba sila ni Sarah? Kasi sabi sina Piolo (Pascual) at Sarah movie ang pang-Valentines offering ng Star Cinema?”

Sa ginanap namang 10th year anniversary cum birthday celebration ni Coco Martin ay nakita namin ang Star Cinema executive na si Roxy Liquigan at tinanong namin ito tungkol kay Lloydie kung tuloy pa sila ni Sarah G.

“Yes Reggs, two movies si Sarah next year, Reggs, kaya mauna muna si Piolo tapos susunod ‘yung kay Lloydie,” say ni Roxy.

Kuwento pa ng aming katoto na disappointed daw ang aktor sa pelikulang The Trial dahil hindi raw siya tanggap ng tao sa ganitong karakter.

“Mas gusto kasi siya sa romantic comedy kasama sina Sarah, Toni Gonzaga, at Bea Alonzo, oo nga mas maganda ‘pag ganoon nga,” kaswal na sabi sa amin.

Nabangggit pa ng aming katoto, “ano pala, may tampo si John Lloyd sa ABS-CBN, hindi pa nari-reveal kung ano, eh.”

May ganoon bang isyu? Balik-tanong namin ay kung ano ang dapat ikatampo ni JLC, eh, siya nga ang highest paid actor sa ABS-CBN at Star Cinema? Sobrang alaga siya ng network na halos lahat ng project na ibinigay sa kanya ay pinag-aaralan at higit sa lahat, hindi rin siya nasusulat ng hindi maganda dahil lahat din ng nag-i-interview sa kanya ay sinasala.

Paano na lang ang ibang artistang walang projects na dinedma maski na may tampo sila sa network?

 

ni Reggee Bonoan

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …