Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Libro para sa mga ina ni Kuya Boy, inilunsad na!

 ni John Fontanilla

103114 boy abunda MYNP

MAY bagong proyekto ang Asia’s King of Talk at MYNP founding chair na si Boy Abunda, ang librong Make Your Nanay Proud (MYNP). Ito‘y Inilunsad ng ABS-CBN Publishing, Inc. noong Oktubre 23 bilang bahagi ng pagbubukas ng 2014 Philippine Literary Festival na inorganisa ng National Book Store at Raffles Makati. Ito‘y handog sa lahat ng Nanay at mga anak na nagmamahal sa kanilang dakilang ina.

Ang MYNP book ay koleksiyon ng mga espesyal na pagbabahagi ng mga personal na karanasan ng ilan sa mga pinakatini-tingalang lider at pinakamatagum­pay na personalidad sa bansa kabilang si Pangulong Benigno Aquino III, ABS-CBN President at CEO na si Charo Santos-Concio, Senators Miriam Defensor-Santiago, Manny Villar, Kris Aquino, Coco Martin, Anne Curtis, Kiefer Ravena, Kathryn Bernardo at marami pang iba.

Bibigyang-pugay ng bawat personalidad sa MYNP book ang walang kapantay na pagmamahal ng kanilang mga ina at ang natatanging kontribusyon ng mga ito sa kung anumang tagumpay ang tinatamasa nila sa ngayon.

PLAY 2D BEAT DANCE COMPETITION AND KPOP COSPLAY SA FRIDAY NA

MAGAGANAP sa October 31, Friday, 5:00- 9:00 p.m. ang bonggang- show ng Playhouse Production entitled Play 2D Beat (Open Dance Competition at KPop Cosplay) na magaganap sa CAP Auditorium, Makati City.

Ayon sa CEO/owner ng Playhouse Production na si Ms. Mitch, ”Isa itong malaking event na mapapanood ang mahuhusay na dancers sa bansa at mga KPop Cosplay.

“Layunin ng Playhouse Production ang magdiskubre ng mga talentong may hilig umawit at sumayaw at bibigyan namin ang mga ito ng pagkakataong mailabas ang talento sa mga proyekto ng Playhouse.”

Magsisilbing espesyal na panauhin sa Play 2D Beat ang Shiners, Zenly Diansuy, ang voice coach ng UPGRADE, Bebe Riz, at Boulevard Tisoy. Mabibili ang ticket sa halagang P100. Para sa iba pang inpormasyon tumawag lamang sa 09155473743 o mag-email ng katanungan sa [email protected].

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …