MASAYA si Isabel Granada sa naging matagumpay na launching ng Haima cars na ginanap sa Marquee Mall sa Angeles City last October 24. Si Issa ang endorser ng naturang kotse.
“Thank you to my Haima family for believing in me and to all the buyers and visitors on the launch. Thank you so much, we had a great time. Masaya ako sa pagiging Haima ambassador.
“Haima vehicles, like my Haima 2, are excellent. They are easy to drive, with outstanding fuel economy and a host of other features like safety which are sure fit for everyone in any road and driving condition. Drive it to Believe, it’s my car,” nakangiting saad ni Isabel.
Nagpapasalamat din si Issa dahil bukod sa endorsement, marami siyang shows at may movie and TV projects pa rin siya.
Nang napadako naman sa Walk of Fame ni Kuya Germs ang aming usapan, sinabi ni Issa na wala pa raw siyang star dito. Kaya tinanong namin ang magandang singer/actress kung kailan kaya ibibigay ni Kuya Germs ang star niya?
“Siguro po kapag oras na talaga for me to have it. Siyempre, marami naman tayong artista sa showbiz. So I cannot say na… hindi naman niya ako nakakalimutan, pero hindi naman lahat ay mabibigyan ng sabay-sabay.”
Hindi ka ba magtatampo? “Hinding-hindi naman po ako puwedeng magtampo kay Kuya Germs dahil parang ama na ang turing ko sa kanya, e. Pero siyempre, nandoon din iyong wish ko na sana ay malagay din ako roon,” nakangiting esplika pa niya.
“Actually, may mga taong nagtatampo for me. But of course, I explain to them na hindi naman kasi puwedeng sabay-sabay tayong bigyan ng star. Let’s just wait and see and be thankful kung malagay tayo. Kung hindi, let’s still be thankful.”
Idinagdag pa ni Issa ang nagawang tulong ni Kuya Germs sa kanyang career. “Eversince naman, lagi kong sinasabi na I’m very thankful kay Kuya Germs at malaki ang utang na loob ko sa kanya dahil naging part ako ng That’s Entertainment.
“Not only that, naging part din ako ng GMA-Supershow nang medyo lumampas na tayo sa pagiging teenager. For two to three years ay nag-host din ako roon. Kaya I’m very thankful dahil naging matibay ang foundation ko talaga.
“Kaya ibang klase talaga si Kuya Germs, hindi lang siya Master Showman kundi marami pa siyang natulungan at na-discover na artista. In fact, hindi ka lang niya tuturuan sa skills e. Tutulungan ka rin niya kung paano magtrabaho sa kapwa artista at sa crew and staff. Pati iyong punctuality, lahat iyon ay importante kay Kuya Germs.”
FREE CONCERT NG YOLANDA SURVIVORS, GAGANAPIN SA NOV. 7
ISANG libreng thanksgiving concert ang gaganapin sa November 7, 2014 sa Quezon City Memorial Circle sa ganap na ika-apat ng hapon onwards . Tinawag itong Handumanan: Pasasalamat sa mga Bayani ng Haiyan.
Ang Handumanan ay wikang Bisaya na ang kahulugan ay tribute o pagbibigay-pugay o parangal.
Ito’y bilang paggunita sa naganap na trahedya sa bansa dulot ng Category Five Super Typhoon na Yolanda (Haiyan) halos isang taon na ang nakaraaan na nagbigay ng matinding pinsala sa maraming lugar, lalo na sa lalawigan ng Leyte, partikular sa Tacloban City.
Layunin ng naturang thanksgiving concert na pasalamatan ang lahat ng mga tao at organisasyon na nagbi-gay ng tulong upang maka-survive at muling makabangon ang mga hinagupit na matinding bagyong Yolanda na natala sa ating kasaysayan noong November 8, 2013 bilang isa sa pinakamapinsalang kalamidad sa ating bansa. Nais din nilang magbigay ng hope o pag-asa sa survivors ng Yolanda.
Ang actor-director-producer na si Carlo Maceda na tubong Leyte ang isa sa nasa likod ng HDGI o Haiyan Disaster Governance Initiative na siyang involved sa proyektong ito. Kabalikat ni Carlo rito ang Rehabilitation Czar na si ex-Senator Ping Lacson, former Tacloban City Administrator Atty. Tecson Lim, at iba pa.
Ang ilan sa mapapanood sa libreng concert sa November 7 ay mga Leyteño na tulad nina Karla Estrada, Kitchie Nadal, at iba pa. Kabilang din sa magtatanghal ang South Border, Imago, Banda ni Kleggy, Gracenote, Mayonnaise, Phylum and Myrus Bands, ang international artist na si Steve Steadman, at marami pang iba.
Sa mga gustong maki-isa at tumulong kina Carlo at sa kanyang grupo, maaaring makipag-ugnayan sa: [email protected] or call Haiyan Disaster Governance Initiative (HDGI) at 959-8291 or 0905-255-5905.
ni Nonie V. Nicasio