HABANG patuloy na nagmamatigas si Vice President Jojo Binay na humarap sa Senate inquiry tungkol sa mga katiwaliang ibinabato sa kanya, lalong lumalakas ang paniwala ng taong bayan na siya’y guilty sa mga akusasyon.
Sa Senate hearing kahapon ng Blue Ribbon Sub-Committee, dumalo uli ang sinasabing “dummy” at umaakong may-ari ng kontrobersiyal na Batangas state (umano’y Hacienda Binay) na si Antonio Tiu, sina BIR Commissioner Kim Henares, Agrarian Sec. Virgilio delos Reyes at ang whistleblower na si dating Makati Vice Mayor Ernesto Mercado.
As usual, dumalo sa hearing si Tiu na walang dalang anumang dokumento na magpapatunay na pag-aari niya ang sinasabing ‘Hacienda Binay’ sa Rosario, Batangas.
Pero sa mga interview ng media na pinalabas sa power point ng Senate Sub-Blue Ribbon Committee na pinamumunuan nina Sen. Koko Pimentel, Antonio Trillanes at Alan Peter Cayetano, ang lahat ay may kaugnayan at tumuturo na pag-aari ni VP Binay ang 150 ektaryang property na sinasabi ni Tiu na nabili niya sa halagang P144 million ngunit hindi pa nakapangalan sa kanya at maging sa mga kumpanya niya.
Samantalang sa mga pisikal na dokumentong ipinalabas ng Senate Sub-Blue Ribbon Committee, tinutumbok nito na pag-aari ni VP Binay ang naturang bilyones na halaga ng property.
Anyway, ang sunod na Senate probe ay sa Nobyembre 6 (Huwebes). Wish natin ay sumipot na si VP Binay at makompronta niya ang kanyang accusers at maipaliwanag niyang mabuti sa Senado ang kanyang side upang sa ganun ay mawala na ang ating agam-agam na siya’y isang napakatiwaling public official na naghahangad maging sunod na pangulo ng Republika ng Pilipinas.
Subaybayan!
Reklamo ng sekyu ng Over Seer Security Agency
– Mr. Joey G. Venancio, report ko po yung Over Seer Security Agency. Mahigit 10 years na po ako sa kanila. Wala manlang bunos or 13th month pay. Lagi nalang sinasabi sa amin, walang pera daw. Tapos yung pasahod P300 ang araw 12 hrs pa. – Guard
Ang 13th month pay ay nasa batas. Mandatory ang isang employer o kumpanya na magbigay nito bago ang pasko.
Malala na ang droga sa Bulacan
– Tila lumalala ang peace and order situation dito sa lalawigan ng Bulacan gawa ng lantaran at lumalalang problema sa droga. Dahil narin ito sa pagkainutil sa pagpapatupad na hindi kayang sagpuin ng kasulukuyang Bulacan Police Director na si S/Supt. Fedrdinand Divina sa kanyang area of responsibility. Napakahina talaga ng Bulacan PNP na sugupin ang operasyon ng droga kaya namamayagpag ang bentahan ng mga tulak dito sa Brgy. Caingin, Bocaue na tila parang kendi lang pag ibinebenta ang shabu ng mga tulak sa kanilang parokyano. Mukhang napakahina ng liderato ni Bocacue COP Supt. Nathaniel Villegas. – 09323007….
Talamak ang droga sa Puwang Wawa, Taguig City
– Paki-inform lang po ang PDEA. Dito sa lugar namin sa Taguig City ay maraming nagtutulak ng shabu. Isa na rito itong nagngangalang “Rosita Taba” na konektado sa isang Arthur San Pedro na nakakulong naman dahil sa pagtutulak din ng droga, at isang nagngangalang Cristy. Nakatira sila dito sa Daisy corner Jones St., Puwang Wawa dito. Sila po ang dahilan kaya maraming adik dito sa aming lugar. Sana maaksiyunan agad ito dahil natatakot kami para sa mga anak namin. Wag nyo nalang po ilabas ang numero ko. – Concerned citizen
REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc., Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015
Cell: 0919-3297810 / E-mail add: [email protected]
Joey Venancio