ni Ambet Nabus
SA text messages na nakarating sa amin hinggil sa umano’y patutsadahan pa rin nina Carla Abellana at Geoff Eigenmann, hindi talaga mawala sa amin ang pagsang-ayon sa obserbasyon ng marami na marahil ay malalim nga ang ugat ng hiwalayan nila as gf-bf.
“Kahit naman po hindi nila pangalanan ang isa’t isa, obvious na sila ang nagpapatamaan,” ito nga Mareng Maricris ang reaksiyon ng mga texters-listeners namin sa DZMM teleradyo hinggil sa mga post nila sa kanilang respective social media accounts.
Napag-usapan kasi namin ang magandang pagtatapos ng My Destiny ng GMA 7 (without mentioning the show’s title hehehe, only the stars na nainterview namin) na nag-end na nga last Friday. Napagtsikahan kasi namin thatt time ang bonggang quotes nina Lorna Tolentinona hindi naniniwala sa destiny, pati na nga sina Rhian Ramos at Carla nga.
Then may mga nag-react nga dahil nang mag-post nga si Sid Lucero (co-star nila at pinsan ni Geoff) sa account nito ng ”last day of my destiny” na sinagot ng positibo ni Carla, ay may kung anong ibig daw na ipakahulugan si Geoff sa one-liner nitong ”finally!”
Then the next thing nga ay ang pag-post naman ni Carla ng mga linyang ito:”Successful people build each other up. They motivate, inspire and push each other. Unsuccessful people just hate, blame, and complain.”
May ganung patamaan nga kaya?