Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Billy, iwas na iwas na sa pag-inom ng alak

ni Ambet Nabus

103114 billy crawford

SPEAKING of Billy, mga two to three weeks na mawawala ang aktor-host dahil muli itong pupunta ng France para gumawa ng album as per his contract sa iniwang international music career.

“May mga commitment po akong tatapusin pero babalik ako dahil dito naman na talaga ang base ko,” tsika ni Billy na sandaling nakipaghuntahan sa amin noong presscon ngMoron 5.2 bago ito tumuloy sa show nilang It’s Showtime.

Proud si Billy na after ng kanyang “jail experience” ay para raw siyang nagsisimulang lumakad kumbaga sa bata. ”Laging nag-iingat, laging attentive sa mga bagay-bagay. Iwas-iwas din sa pag-inom,” sey pa ng aktor-host.

Sinang-ayunan ito ni direk Wenn na nagkuwento pa ngang hindi nito nagawang siputin ang kanyang birthday party dahil sa ayaw na nitong uminom. ”Tiis-tiis talaga,” dagdag pa nito.

At 33, nasa marrying age na raw si Billy pero willing siyang maghintay kay Coleen Garciana 22 years old lang. ”Ayoko siyang i-pressure. I want her to enjoy her career, her being my gf. Mararamdaman mo naman kung ready na siya eh. Basta ako, siya na ang gusto kong maging asawa,” pagmamalaki pa ni Billy.

Sa Moron 5.2 ay “improved” comedian na raw siya. Kung mabibigyan pa raw siya ng more movie assignments ay gusto rin niyang subukang mag-all-out drama o gawin din ang gaya ng role ni John Lloyd Cruz sa The Trial na napanood daw niya kamakailan at siya nga’y napanganga sa husay nito.

“Sarap mangarap di ba?” sey nito.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …