PATAY ang isang 30-anyos ginang na sinasa-bing tulak ng droga ma-karaan pagbabarilin ng isang ex-convict kamakalawa sa loob ng sementeryo sa Pasay City.
Nalagutan ng hininga habang dinadala sa Pasay City General Hospital ang biktimang si Marnile Bodejas, ng Block 38, Lot 6, Mahogany St., Brgy., Santo Nino Pasay City.
Nagsasagawa ng manhunt operation ang mga pulis laban sa suspek na kinilalang si alyas Saya, nasa hustong gulang, walang permanenteng address, bagong laya sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City dahil sa kasong robbery. Base sa report ng pulisya, dakong 4:27 pm nang maganap ang pa-mamaril sa loob ng Sarhento Mariano Public Cemetery sa Aurora Boulevard at Sgt. Mariano St., Pasay.
Habang nakaupo ang biktima, lumapit ang suspek at sumigaw ng “Yung silver kung kwintas nasaan na! May utang ka pa sa akin,” saka bumunot ng kalibre .45 baril at pinaputukan ang ginang.
Jaja Garcia