Aries (April 18-May 13) Huwag panghinaan ng loob sa iyong accomplishment ngayon bagama’t maliit lamang ito kompara sa iba.
Taurus (May 13-June 21) Pakiwari mo ay nagsisimula na ang laban at ikaw ang target. Kung wala kang solidong suporta, maaari kang mahirapan.
Gemini (June 21-July 20) Maaaring matakot kang makipagsapalaran bunsod ng pangambang pagkabigo.
Cancer (July 20-Aug. 10) Mainam ang sandali ngayon para sa pisikal na aktibidad sa labas para mapadaloy nang maayos ang iyong dugo.
Leo (Aug. 10-Sept. 16) Pakiramdam mo’y ikaw ay sinusubukan at dapat mong patunayan na tama ang iyong ginagawa.
Virgo (Sept. 16-Oct. 30) Muling babalik ang iyong kompyansa sa sarili. Huwag hayaang maapektuhan ng emosyon ang trabaho.
Libra (Oct. 30-Nov. 23) Sa puntong bumabalik na ang katatagan ng iyong emosyon at kalmado na, muli ka na namang may magpapainit ng iyong ulo.
Scorpio (Nov. 23-29) May taglang kang malakas na enerhiya at kompyansa sa sarili. Gayunman, dapat ka pa ring mag-ingat sa posibleng hindi kanais-nais na bagay.
Sagittarius (Dec. 17-Jan. 20) Maging masaya sa iyong sarili at sa iba. Itigil ang paghahanap ng pagkakamali ng iba.
Capricorn (Jan. 20-Feb. 16) Puno ka ng enerhiya ngayon at nagnanais na maglakbay. Gagawa ka ng paraan para matupad ito.
Aquarius (Feb. 16-March 11) Makararamdam ng kalungkutan ngayon dahil sa ilang mga aberya sa proyekto.
Pisces (March 11-April 18) Ikaw ay makapagtatrabaho nang higit na maayos at epektibo ngayon. Sapat ang iyong enerhiya.
Serpentarius (Ophiuchus) (Nov. 29-Dec. 17) Hangga’t hinaharap mo ang mga bagay sa positibong attitude, ang lahat ay magiging maayos.
Lady Dee