Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Actor buong pusong nagpasalamat sa lahat (3-In-1 celebration ni Coco Martin star studded)

 

00 vongga chika peterDALAWA kami ng BFFT kong si Pete A., ang kabilang sa mga invited guests sa big 3-in-1 celebration ni Coco Martin last Wednesday night na ginanap sa Cities Events Place na dating pag-aari ng TV host comedian na si Willie Revillame.

Pabulosa ang nasabing first celebration ni Coco sa showbiz dahil dalawang venue ng events place ang inokupahan ng kanyang manager-friend na si Sir Biboy Arboleda para sa kanyang party. Gusto kasi ni Mother Bebs, na ma-accomodate ang lahat ng mga imbitado kaya dalawa ang ini-rent niya. Nasa ground floor ang mga celebrity guests, pamilya at non-showbiz friends ng aktor at ang press naman ay sa 3rd floor nakapuwesto. Pagdating ng venue ay dumiretso agad sa amin si Coco para bumati sa lahat at nagpaunlak pa ng picture taking sa bawat table. Gwapong-gwapo sa kanyang black polo and pants ouftit at pinagkaguluhan talaga siya ng TV crew na nag-attend sa kanyang selebrasyon. Sobrang sarap ng catered foods at bumaha rin ng drinks. Samantala, ilan sa mga namataan naming artista na bisita ni Coco ay sina Kris Aquino, KC Concepcion and Paolo Avelino, Eddie Garcia, Christoper de Leon, Albert Martinez, Julia Montes, and many more.

Present din ang ilang top executive ng ABS-CBN na sina Ma’am Cory Vidanes, Sir Deo Endrinal, Inang Direk Olive Lamasan, Sir Roxy Liquigan, Sir Mico del Rosario, at Sir Lui Andrada. Halos lahat ng director ni Coco sa teleserye ay naroon din sa nasabing tipar. From all of us here at Hataw Dyaryo ng Bayan, Coco happy-happy birthday to you gyud!

At narito pala ang ilang larawan na kuha sa nasabing affair.

103114 Coco Angel Aquino Direk Malu Sevilla 103114 Coco Boyet Dennis Albert 103114 kc julia coco

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …