Monday , November 18 2024

Sino si Alyas Vidal at Bayong sa BOC?

KAYA naman pala ubod ng tapang at talagang astig ang dating nitong si alyas VIDAL kupal di-yan sa bakuran ng Bureau of Customs (BOC) ay dahil sa hiniram nitong kamandag sa isang nagngangalang BAYONG.

Napakaraming players diyan sa Aduana ang pinahihirapan nitong si VIDAL.

Mga brokers at consignees na hinihingian nito ng P230-280K per container para sa ‘problem free release’ ng mga parating ng mga ito.

Marami-rami na rin ang mga ‘retainers’ nitong si VIDAL na brokers diyan sa Customs.

Ang masakit, kaladkad ang pangallan ng isang heneral at deputy commissioner sa racket na ito ng kumag.

Ang buong katotohanan, pakawala ni BA-YONG itong si VIDAL.

Speaking of BAYONG, ito raw po ay super bagyo kayExecutive Secretary Paquito ‘Jojo’ Ochoa kaya pinakikisamahan umano ni Customs Commisioner BossSonny Sevilla?

Kaya naman pala ubod ng yabang at epal itong si alyasVIDAL, nakatuntong pala sa kalabaw na si BAYONG.

Hindi lamang umano kay Sevilla matindi ang kamandag nitong si BAYONG kundi pati kay Finance Secretary Cesar Purisima.

Kaya naman pala kahit anong sumbong ng mga lehitimong broker at consignees dito sa pangongotong na ginagawa niVIDAL sa kanila ay walang gustong umaksyon.Ngangang lahat ang mga opisyal ng Customs.

Para lang daw nagsusumbong ang mga biktimang negosyante sa hangin.

Modus operandi ng gagong si VIDAL ay taryahan ang mga may parating na kargamento per container. Yaong ayaw magbigay, tiyak na aabalahin. Kundi huhulihin, ilalagay sa alert status gamit ang opisina isang opisyal sa BoC.

Sa halagang P230-280K, malaya nang makakalabas ng puerto ang ano mang kargamentong dumarating.

Malaking panganib ito sa seguridad hindi lamang ng mamamayan kundi ng buong bansa.

Posibleng makalusot ang mga mataas na kalibreng armas na ipinalulusot ng mga organized syndicates o maging ng mga international terrorists.

Posibleng droga rin ang makalusot sa sistemang ito ng grupo ni alyas VIDAL.

Ang grupo rin ni VIDAL sa ilalim ng network ni BAYONG ang dahilan kung bakit bumabaha sa merkado ng bansa ang mga fake imported products partikular na yaong galing ng China, Vietnam, Korea at Thailand.

Ang pinakahuli ngang nasakoteng fake signature bags& other products gawa mula China ay nagkakahalaga ng mahigit isang bilyong piso na nasa warehouse na diyan sa Binondo, Maynila.

Kaya lamang ito nahuli ay dahil sa hindi natimbrehan o napagkalooban ng ‘lagay’ ang ilang enterprising officials ng Intellectual Property Office.

Pero ang buong katotohanan, napakarami ng fake branded poducts na naipapalusot halos araw-araw diyan sa Customs na nasa mga malls na at ibinibenta sa buong kapuluan.

Gaya ng Cartimar Market sa Pasay City, mga warehouses cum showroom sa Baclaran sa Pasay pa rin.

Sa168 mall sa Divisoria, Quiapo at Sta. Cruz districts sa Maynila at sa Greenhills, San Juan.

Nakasabog din ang mga smuggled fake branded products sa mga pangunahing malls at tiangge sa Cebu, Cagayan De Oro, Davao at maging sa mga probinsiya sa Luzon

.Ang lahat ng ito ay mula sa network ng kupal na si VIDALat BAYONG.

Paano nga naman masusugpo ang talamak na smuggling kung ganyang sila-sila mismo ang pasimuno sa nasabing katarantaduhan?

May kasunod…ABANGAN!

Sino si Boy Negro at Salvador, Mayor Jaime Fresnedi Sir?

Bakit parang Little Mayor ng Muntinlupa City kung umasta ang isang Eddie Legaspwee alyas “Boy Negro” diyan sa iyong siyudad Mayor.Jaime Fresnedi?

Ito raw po kasing si BOY NEGRO ang tagapamahala ng isang transport terminal sa south station diyan sa Alabang na may P100K monthly obligation sa isang alyasSALVADOR ng opisina ni Mayor Fresnedi.

Ang terminal na ito Mayor Fresnedi ang siyang pangunahing dahilan kung bakit nagka-letse-letse ang traffic situation sa naturang lugar.

Para kasing pribadong parking terminal na ang nasabing lugar na pinamamahalaan nitong si Boy Negro gayung alam naman ng lahat ng taga-Muntinlupa na isa itong illegal terminal.

Bukod sa 100 thousand pesos weekly pa-yola para umano (daw) kay Alyas “ Adi Salvador “ may P7K weekly rin para sa sa kapulisan at another seven thousand pesos weekly sa hepe naman ng Muntinlupa Traffic Command.

Isang alyas RUBIO at ANANAYO naman ang umaaktong bagman para sa lingguhang ‘parating’ sa kapulisan.

Pagdating naman sa mga puwesto pijo ng SAKLANG PATAY, isang alyas APENG ang mayhawak sa buong distrito 1 samantalang sina KAOK at Lolet naman sa distrito 2 Alabang-Sucat.

Bente mil ang payola tuwing akinse at katapusan ng buwan puwera pa ang P5K para sa opisina ng Muntinlupa PNP.

Matindi ang mga isyung ito laban kay Mayor Fresnedi na sana’y agad na masagot ng kanyang mabait ng Public Information Officer (PIO). Aabangan po natin!

Makinig sa DWAD 1098 khz am “TARGET ON AIR” Mon – Fri 2:00 – 3:00 PM. Mag txt sa 0917- 357- 6718 at mag email sa [email protected]

Rex Cayanong

About hataw tabloid

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *