Monday , December 29 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sibakan sa Barako

103014 Barako Bull

PAGKATAPOS ni coach Siot Tanquingcen na pinalitan ni Koy Banal, ilan ding mga opisyal ng Barako Bull ay sinibak din sa kani-kanilang mga puwesto dahil sa hindi malamang dahilan.

Ayon sa ulat ng www.spin.ph, tinanggal na sa Energy sina team manager Raffy Casyao, alternate governor Eric Noora, assistant team manager Jay Llanos Dee at Paul Chua ng team operations na anak ng team owner ng koponan na si George Chua.

Inanunsiyo rin ng Barako na si Reymark Rodriguez na ang bagong team manager ng koponan.

“Kakaupo ko lang kasi kaya hindi ko pa kabisado ang mga galaw sa team. May ibang development na hindi pa ako privy,” wika ni Rodriguez.”Please try to understand that I am still settling down. At hindi ko pa kilala si George Chua.”

Iniwan sa Barako sina team doctor John Lim, Michael Chua bilang head of basketball operations at governor Manny Alvarez.

(James Ty III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …

PH Ailas Pilipinas SEAG

Alas Pilipinas men’s team, nakabawi at nagkamit ng bronze

BANGKOK — Bumangon ang Alas Pilipinas mula sa pagkakaiwan ng dalawang set upang talunin ang …

PH Gilas Pilipinas SEAG

Gilas Five, dinaig ang Thailand, napanatili ang korona sa SEA Games

BANGKOK — Bumangon ang Gilas Pilipinas mula sa 13-puntos na pagkakaiwan at sa mainit na …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …