Wednesday , December 25 2024

PNoy, natauhan din? at ‘himala’ sa Gentleman sa QC

PNOY atras na sa 2016! Hay salamat at natauhan din ang Pangulong Noynoy Aquino sa pangarap niyang siya pa rin ang dapat maging pangulo hanggang 2022.

Teka anong natauhan, hindi naman siya ang may gustong manatili sa Palasyo kundi ang kanyang mga alipores na nakapaligid sa kanya—mga alipores na gutom pa rin sa kapangyarihan… mga alipores na kaliwa’t kanan ang pagnanakaw. Mga alipores na malakas ang loob magnakaw kasi batid nilang hindi sila paiimbestigahan ng Malacañang lalo na kung sila’y kapartido.

Ano pa man, malinaw ang inihayag ni PNoy na hindi na siya tatakbo sa pagkapangulo sa 2016. Dapat lang, kasi isang termino lang naman ang dapat at ito ay alinsunod sa Saligang Batas. Kaya kayong mga gutom pa sa kapangyarihan at kulang pa sa ninakaw, mas maliwanag pa sa sikat ng araw ang sinabi ng inyong lider na hindi na siya tatakbo sa 2016.

Intiendes mga kapaalyado ni PNoy? Hindi na raw tatakbo si PNoy o hindi na siya naghahasik ng ikalawang termino.

Take note Mr. DILG Sec. Mar Roxas at Caloocan City Rep. Edgar Erice. Hindi na raw tatakbo ang amo ninyong ipinagtutulakan ninyong tumakbo uli sa 2016.

Ano kaya ang naging basehan ni PNoy sa pag-atras? Ang Saligang Batas ba na nagsasabing hindi puwede ang ikalawang termino maliban kung ito ay maamyendahan? Ang resulta ng survey na hindi sang-ayon ang kanyang mga ‘boss’ sa ikalawang termino?

Heto kaya ang mga nagpagising kay PNoy sa katotohanan na hindi na siya ubra?

Ano man ang totoong dahilan ng Pangulo ay atin siyang hinahangaan sa kanyang desisyon. Iyan ang tunay na lider hindi nagpapauto sa kanyang mga galamay na gustong kumain nang kumain.

Pero hindi kaya, na isa pa sa totoong dahilan ng pag-atras ni PNoy ay pagbagsak ng rating ni VP Binay sa mamamayan at umangat daw kahit papaano ang magiging manok ng Pangulo sa 2016 na si Roxas?

Hindi naman lingid sa ating kaalaman ang ‘trabahong’ ginawa ng mga kalaban kay Binay. Talagang giniba ang ikalawang pangulo dahil hanggang ngayon (kahit bumaba ang kanyang rating) ay siya pa rin ang nanguguna sa survey na maging susunod na pangulo ng bansa.

Mabuhay ang mga kulay YBANAG!

Pero hindi rin kaya ang isa pa sa dahilan ng pag-atras ni PNoy ay dahil naging matagumpay ang paggiba kay Binay (sa Senado) habang nakikinabang sa paggiba ang number one contender candidate ng LP na si Roxas? Nagtatanong lang po.

Well, basta maraming natutuwa sa desisyon ni PNoy… marami rin ang natuwa , nagpasalamat at bumalik na sa tamang daan ng pagtutuwid si PNoy.

Kaya Mr. Erice, manahimik ka na sa isinusulong mong term extension ha! At si Roxas naman ay maaaring ngiting aso na ngayon sa inihayag ng Pangulo. Dama na siguro ni Roxas na siya na ang susunod na pangulo. Ha!? Wake up… wake up baka ika’y nananaginip laang. He he he …

***

Gentleman Night Club sa Scout Borromeo sa Quezon City. Yes, halos bagong bukas ang bahay aliwan na ito. Maraming info ang nakarating sa ating kaalaman na maraming nangyayaring himala sa loob ng nasabing bahay aliwan? Ano-anong kakaibang libangan kaya ang mayroon sa Gentleman kaya paboritong pasyalan ng kalalakihan?

Ang masaklap pa… ito lang naman ay kung gaano katotoo ang info kaya, tayo’y nagtatanong lamang. Totoo bang ginagamit ng pamunuan ng Gentleman ang pangalan ni Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte para panangga sa mga nais sumalakay sa bahay aliwan na ito? Nagtatanong lang po.

Pero ano pa man Madame Joy, dapat lamang na inyong pakilusin ang inyong mga tauhan para alamin ang info. Mahirap na.

Pero batid naman ng mamamayan ng Kyusi nagalit ka sa mga bahay-aliwan na may kakaibang libangan sa loob nito, tulad ng ilan mong ipinasarang night club at mga sauna bath na prente ng prostitusyon.

Ops, hindi ko sinasabing prente ng prostitusyon ang Gentleman ha kundi, sinasabing may kakaibang mga himala daw na nangyayari rito. Abangan!

***

Para sa inyong komento, suhestiyon at reklamo, magtext lang sa 09194212599.

Almar Danguilan

About hataw tabloid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *