Monday , December 29 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Matansero todas sa bilas

DALAWANG tama ng bala ng baril sa kanang sentido ang tumapos sa buhay ng isang meat butcher nang barilin ng kanyang bilas at isa pang kasamang lalaki kaugnay sa alitan kung sino ang magmamay-ari ng bahay na kanilang tinirhan kamakalawa ng gabi sa Pasay City.

Patay agad ang biktimang si Bayani Baron Pensan, 34, ng 15 A, Saint Joseph St., Zone 20, Brgy. 201, Kalayaan, Merville, Pasay city.

Patuloy na tinutugis ng pu-lisya ang suspek na si Victor Andie Sallao, 41, residente rin sa naturang lugar, habang ina-alam ng pulisya ang pagkaka-kilanlan ng lalaking kasabwat niya sa pamamaril.

Sa ulat na natanggap ni Pasay City Police chief, Sr. Supt. Melchor Reyes, dakong 9 p.m. nang maganap ang pamamaril sa loob ng bahay sa Merville, Pasay City.

Nabatid sa ulat, nang duma-ting ang mga suspek ay inutusan si Christian, 8-anyos anak ng biktima, na lumabas muna ng bahay.

Pagkaraan ay narinig ng bata ang dalawang putok ng baril kasunod ng paglabas ng mga suspek.

Pagbalik ng bata sa loob ng bahay ay natagpuang duguan ang amang si Pensan.

Napag-alaman ng pulisya, pinag-aagawan ng biktima at suspek kung kanino mapupunta ang bahay na kanilang tinitirhan.

Jaja Garcia

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Batangas Rep ibinuking inang senadora sa budget insertions

INAMIN ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na may insertions sa pambansang budget ang …

Senate Senado

5 senador pasok bilang ‘most favorable’ senators

TATLONG miyembro ng mayorya at dalawa mula sa minorya ang pumasok sa top 5 ng …

Nartatez United Candelaria Doctors Hospital

Acting PNP Chief Nartatez Personal na Dumalaw sa mga Sugatang Pulis at Pinarangalan ang Nasawing Kasamahan sa Quezon

Pamumunong Nariyan Kapag Kailangan Hindi nag-atubiling magtungo si Acting PNP Chief PLTGEN Jose Melencio C. …