Noong 2009, ini-report ng Life & Style magazine na may mansyon ang hotel heiress at socialite na si Paris Hilton na itinayo para sa kanyang anim na aso sa halagang US$325,000. Ilang amenities na makikita ditto ay tunay na canine-friendly tulad ng crystal chandelier, balkonahe at central air conditioning.
Makalipas ang limang taon, ini-report din ng na ang tirahan ng aso, o dog house, ay matagal nang overdue para i-upgrade. Bukod sa crown molding at closet, nilagyan din ang 300-square-foot na residensya mga aso ng flat screen TV, para maging malaya ang mga naninirahang alaga ni Paris na manood ng paboritong Orange Is The New Black sa Netflix.