Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Lilia Cantapay, ime-make-over ni Mother Ricky

103014 GRR lilia cuntapay

ANG mga katolikong bansa tulad ng Pilipinas ay nagdaraos ng “Araw Ng Mga Patay” tuwing ika-1 ng Nobyembre. Ito ang araw ng paggunita natin sa mga mahal sa buhay na dinadalaw natin sa kanilang himlayan.

Naniniwala si Mader Ricky  Reyes na isa rin itong pagkakataon para ang mga kababaiha’y magsikap na magkaroon ng pagbabago sa larangan ng kagandahan.  “Dahil parang reunion na rin ito ng mga magkakamag-anak, dapat ay maipakita ang isang bagong anyo…isang bagong ikaw,” sabi ni Mader Ricky.

Mapapanood sa Gandang Ricky Reyes Todo Na Toh (GRR TNT) na prodyus ng ScriptoVisionngayong Sabado sa GMA News TV ang gagawing Make Over Magic ni Mader sa  aktres na siLilia Cantapay na madalas na papel sa pelikula’y aswang o manananggal. ”Magugulat kayo sa resulta ng ginawa kong pagpapaganda sa kanya. May itinatagong byuti ang bruha. Masasabi n’yong, ‘ang ganda ng Lolah ko’,” sabi ng beauty guru at host ng GRR TNT.

Kung walang ibang gagawin sa panahong sem break, maaaring mag-aral ng “Nail Art.”  May demo nito sa programa at patutunayan ng mga beautician ng Gandang Ricky Reyes Salon kung gaano kadali itong gawin.

Sa mga mahilig sa “food with a twist” o putaheng kakaiba sa ordinaryo’y samahan si Mader sa isang kainang ang especialty ay lamang-loob ng hayop (puso, atay, bato, bituka, balumbalunan, atbp). Sikat ito sa masasarap na pagkain tulad ng dinuguan, papaitan at bopis.

Samahan si Mader tuwing Sabado para sa isang oras ng kasiyahan at isyu tungkol sa kagandahan, kalusugan, at kabuhayan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …