Monday , December 29 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Lagi sa dream ang bespren

00 Panaginip

Dear Señor H,

Tanong ko lng po sa inyu Señor kung bakit lagi ko pong npapanaginipan n ung bestpren ko pero dati ko po syang crush lagi ko kc syang napapanaginipan na masayang masaya lagi kmi kung magkasama at parang ayaw nmin maghiwalay pag magkasama kmi sa panaginip ko… wait ko po sagot nyu señor tenkyu po Godbless Ung no. ko po wag nlng ipakita I’m Kathleen

 

To Kathleen,

Ang bungang-tulog na ganito ay nagpapakita ng literal na repleksiyon ng iyong atraksiyon sa taong crush mo. Normal lang ang ganitong bagay na mapanaginipan ang iyong crush, dahil kung laging laman siya ng iyong isipan, natural na napakalaki ng posibilidad na mapanaginipan mo siya. Kung wala ka nang feelings sa kanya, posible rin na may nag-trigger lang kaya naging ganito ang tema ng panaginip mo.

Kapag napanaginipan ang kaibigan mo, ito ay maaaring may kaugnayan sa aspeto ng iyong sarili na inaayawan mo, subalit handa mo rin namang kilalanin at i-incorporate. Ang relasyon mo sa mga nakapaligid sa iyo ay may mahalagang paperl upang mas makilala pa ang iyong sarili. Alternatively, kapag napanaginipan ang isang kaibigan, ito ay nagbabadya ng pagdating ng positibong balita. Kung childhood friend mo ito, ito ay nagsasaad ng regression sa mga nakalipas mo noong wala ka pang responsibilidad, na ang mga bagay-bagay ay mas simple at carefree. Maaaring nais mong makatakas sa pressures and stresses ng adulthood. Ikonsidera ang relasyon mo sa kaibigang ito at ang mga leksiyon na natutunan sa buhay. Alternatively, ang panaginip na childhood friend ay nagsa-suggests na ikaw ay umaasta sa childish manner. Dapat nang magsimulang umasta bilang isang adult.

Ang nakita sa bungang-tulog mo na masaya kayo ng crush mo ay maaaring compensatory dream at kadalasan ay kabaligtaran ang kahulugan nito. Maaaring ito ay pagnanasa o paghahangad na ma-compensate ang kalungkutan o stress sa iyong waking life.

Señor H.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Ashley Rivera white castle

Ashley Rivera bagong White Castle calendar girl

MATABILni John Fontanilla ANG aktres at content creator na si Ashley Rivera ang 2026 White Castle Whisky …

Judy Ann Santos UFC

Judy Ann ibinahagi 12 meals/food for Christmas

RATED Rni Rommel Gonzales NAHINGAN si Judy Ann Santos, habang magpa-Pasko naman na, kung may …

Taguig Childrens Park

Pinakamalaking children’s park sa Lungsod ng Taguig binuksan na sa publiko

PORMAL na binuksan sa publiko ang pinakamalaking Children’s  Park sa Taguig Ciity para sa mga …