ni Alex Brosas
ALIW na aliw kami pati na ang ibang tao sa social media sa expression ni Kim Chiu nang first time niyang ma-experience ang snow sa Canada.
Sa ipinost na short video ni Kim sa kanyang Instagram account ay panay ang sabi niyang, ”oh my gosh, oh my gosh, oh my gosh,” habang umuulan ng snow. Halatang tuwang-tuwa si Kim sa kanyang first-time experience na ‘yon.
Maging ang fans niya ang naaliw sa Instagram video ng Kapamilya star.
“Hahah ang cute mo Kim sarap ulit ulitin panuorin na nag eenjoy ka.”
“Ang cute ni kimmy.. Parang 9 yrs. old lang.”
Ito palang si Kim ay mababaw ang kaligayahan. Kaunting snow lang ay talagang naaaliw na siya.