ni Ambet Nabus
KASWAL na kaswal lang kay Ellen Adarna ang magpahayag na mas gusto muna niyang magkaroon ng mga anak bago siya magpakasal. Sa gaya raw kasi niyang liberal mag-isip at manindigan sa mga bagay-bagay, malaking dahilan daw ng pagsasama ng dalawang nagmamahalan ang kasal.
“What’s the use of the marriage kung ‘yung product ng love ninyo ay hindi ninyo isasama sa usapan? Ang saya-saya siguro na nagma-march din ‘yung mga anak ninyo with you ‘di ba?” hirit pa ng prangkang calendar girl ng Ginebra San Miguel.
Pero matagal pa raw siguro ‘yun na mangyayari dahil bilang isang babae ay marami pa raw siyang gustong gawin lalo na sa kanyang showbiz career na inilarawan pa niyang nagsisimula pa lang, what with all her projects.
Kung dati-rati raw ay sa mga intriga lang siya mabenta, tuwang-tuwa siya na simula nang magkaroon siya ng TV career sa ABS-CBN, naging madalas na ang mga proyekto niya sa movies man o endorsements gaya nga ng GSM.
Inamin din niyang pressured siya na si Marian Rivera ang susundan niya bilang mukha ng Ginebra San Miguel. “O ‘di ba, ibang level ‘yung Marian at iba pang mga nauna? Mabuti na lang,” pabitin pa nitong tsika sa balitang siya talaga ang only choice ng GSM management para maging mukha ng liquor brand nila for 2015. At timing pang magseselebreyt ang GSM ng kanilang ika-180 taong anibersaryo bilang numero unong ‘alak’ ng mga Pinoy!
Umaasa ang GSM family na sa pagkuha nila kay Ellen ay kasabay ding mas magiging makahulugan ang tema nilang inumin nga ng mga Ganado sa Buhay na mga Pinoy ang Ginebra San Miguel.
Kaya sa tanong namin kung hindi ba worried si Ellen na maging “pantasya” ng mga mangingisda, magsasaka, karpentero, obrero at iba pang “tatak-Ginebrang manginginom”, masaya at mapanukso pa ang sagot nitong, “I’m honored, I am proud and I’m thankful.”