INAASAHAN sa mundong ito na mabuhay ang isang tao sa pamamagitan ng kanyang trabaho o pinagkukunang-yaman, maliban na lamang kung ikaw ay ipinanganak nang mayaman o kaya’y nagkaroon ng pagkakataong maging milyonaryo. Ang bawat tao ay naghahangad ng isang maganda at stable na career.
Samantala, ang ibang pagkakataon ay taliwas sa iyong inaakala, lalo na kung ito ay iyong inaasahan.
Ang Feng Shui ay may mga paraan para pagandahin ang takbo ng iyong career. Ito ay ang mga sumusunod:
1) Alamin ang iyong Kua number at iyong apat na pinakamainam na direksyon. Kapag natunton mo na ang best direction, matulog nang nakatapat sa direksyong ito.
2) Kung ang iyong career ay wala nang patutunguhan, makatutulong ang pagpapalit ng posisyon ng iyong main door sa iyong best direction. Tumayo sa loob ng bahay nang nakatanaw sa main door para malaman ang mga direksyon.
3) Ilagay ang iyong mesa nang nakatapat sa iyong best direction. Kung posible, lagi mong tingnan ang iyong best direction.
4) Huwag umupo sa likod ng bintana o pinto. Ang ibig sabihin nito ay wala kang suporta sa iyong likod kaya maaari kang tirahin patalikod ng iyong mga katrabaho. Humanap ng mga poison arrows na nakatapat sa iyong likod, dulot ng open shelves o sharp edges.
5) Humanap ng mga painting ng bundok (walang water feature tulad ng dagat o lawa) at ilagay ito sa likod ng iyong working table.
6) Maglagay ng mga de-pasong halaman para labanan ang offending pillars na nagdadala ng poison arrows. Sa kabilang banda, tiyaking naaalagaan mong mabuti ang mga halaman para hindi mamatay o malanta. Ang mga kristal ay nakatutulong din para makapag-resolba ng iyong mga problema.
7) Maging aware sa iyong bedroom. Inilalagak natin ang 1/3 ng ating buhay sa pagtulog kaya nararapat lamang na pahalagahan ang iyong kwarto. Maging mapagmasid sa mga naghahatid ng ‘shar qi’ (killing breath) na maaaring makaapekto sa iyong pagkatao.
8) Magsuot ng mga damit na may mainam na kulay. Magsuot lamang ng mga accessories na may magandang klase ng materyales at kulay.
ANG bawat tao ay naghahangad ng isang maganda at stable na career. Ang Feng Shui ay may mga paraan para pagandahin ang takbo nito.
ni Lady Choi