NAHAHARAP sa isang malaking problema ang forward ng Far Eastern University na si Mac Belo.
Nagbanta ang head coach ng Tanduay Light Rhum na si Lawrence Chiongson na ihahabla niya si Belo sa korte sa kasong breach of contract dahil may kontrata pa ang huli sa Rhum Masters para sa PBA D League Foundation Cup.
Kasama si Belo sa lineup ng MJM M Builders na isang school-based na koponan dahil makakasama niya ang ilang mga kakampi niya sa Tamaraws.
“We’ll still give Belo a few days to come to his senses and honor the contract that he signed with Tanduay last season,” wika ni Chiongson. “I already sent copies of Belo’s contract to FEU for them to advice Belo into doing what is right and just.”
Iginiit ng M Builders na lalaro si Belo para sa kanila kontra Cagayan Valley mamaya. (James Ty III)