Monday , December 29 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Amer, Adeogun excited sa Hapee

103014 adeogun amer

PAGKATAPOS ng kanilang kampanya sa NCAA kung saan nagkampeon ang kanilang kolehiyong San Beda, handa na ang dalawang Red Lions na sina Ola Adeogun at Baser Amer sa kanilang bagong hamon sa PBA D League para sa Hapee Toothpaste.

Silang dalawa ay kasama sa anim na manlalaro mula sa SBC na inaasahang bibigyan ng lakas para sa Fresh Fighters sa pagsisimula ng Aspirants Cup mamaya.

Bukod kina Adeogun at Amer, ang iba pang mga Red Lions na kasama sa lineup ni coach Ronnie Magsanoc ay sina Ryusei Koga, Jaypee Mendoza, Art de la Cruz at Michole Sorela.

Naunang kinuha ng Fresh Fighters sina Chris Newsome ng Ateneo, Arnold Van Opstal ng La Salle, Bobby Ray Parks at Troy Rosario ng National University at ang mga dating beterano ng NLEX na sina Garvo Lanete at Kirk Long.

“We still need to work together as a team. A team that has a lot of stars but cannot work together will not win games,” wika ni Adeogun. “We don’t compete with each other and after my first practice, I can say that everything is good. I’ve played against AVO and Rosario in the summer leagues and they are good players.”

Samantala, pumirma na sa San Miguel Beer sa PBA ang dating Red Lion na si David Semerad pagkatapos na na-release siya ng Barako Bull.

(James Ty III)

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …

PH Ailas Pilipinas SEAG

Alas Pilipinas men’s team, nakabawi at nagkamit ng bronze

BANGKOK — Bumangon ang Alas Pilipinas mula sa pagkakaiwan ng dalawang set upang talunin ang …

PH Gilas Pilipinas SEAG

Gilas Five, dinaig ang Thailand, napanatili ang korona sa SEA Games

BANGKOK — Bumangon ang Gilas Pilipinas mula sa 13-puntos na pagkakaiwan at sa mainit na …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …