Friday , December 27 2024

Addicted To Love (Part 20)

00 addicted logo

HANGGANG SA SANDALI NG PAGTAHAK SA REHAB NI JOBERT HINDI SIYA INIWAN NI LOI

Kagulong nagtakbuhang palabas ng pintuan sa gilid ng simbahan ang mga taong sumasaksi sa kasalan. Pati ang paring nagkakasal ay nagtago sa likod ng pulpito. Magkahawak-kamay namang natulala ang babae at lalaking ikakasal na napadapa sa sahig na baldosa.

Inihit ng ubo si Jobert sa paghalakhak nang todo-todo. Mistulang isang praning na siya sa pag-alagwa ng kanyang utak. Pero pamaya-maya lang ay may pumigil nang mahigpit sa kanyang mga braso. At mabilisan siyang pinosasan sa dalawang kamay.

“B-bakit, ha? A-anong ibig sabihin nito?” aniya sa tatlong tauhan ng pulisya na nagres-ponde.

“Pulis kami…” pagpapakilala ng isa sa mga alagad ng batas na nakadamit-sibilyan.

“E, ano kung pulis kayo… Ano’ng ikakaso n’yo sa akin, e, nagse-celebrate lang ako ng Pasko. Angas niya sa mga pulis.

“ Sa presinto ka na magpaliwanag…”

At binitbit siya sa kwelyo ng mga tauhan ng pulisya. Isinakay siya sa service vehicle nito para dalhin sa presinto.

“Ako na mismo ang tumawag sa mga pulis… ” sabi ni Tiyo Pedring kay Loi na kasakay nito sa minamanehong pampasaherong dyip.

“I-ipakukulong po n’yo si Jobert?” pami-milog ng mga mata ni Loi sa amain ni Jobert.

“Hindi…” anito sa pag-iling. “Sa pulisya ako humingi ng tulong para dalhin siya sa rehabilitation center.”

“Ipare-rehab ninyo si Jobert?” tanong pa ng dalaga.

Tinanguan si Loi ni Tiyo Pedring.

“Gaya ng naipayo mo sa akin…” anitong may lungkot sa tinig. “At tama ka… pang-unawa at pagmamahal ang higit na kailangan ngayon ng pa-mangkin ko.”

“S-salamat po… M-mara-ming-maraming salamat po…” iyak ni Loi sa balikat ni Tiyo Pedring na nayakap niya sa kagalakan. “A-at tutulong po ako sa inyo sa mga ma-giging gastusin ni Jobert habang ginagamot siya roon.”

Sabi nga noon kay Loi ng kaibigang gurong si Daisy, mabuti pa raw ang mga drug addict dahil maaari pang magamot at may pagamutan na pwedeng makatulong sa pagpapaga-ling. Pero ang isang adik sa pag-ibig, gaya ni Loi na matinding magmahal, ay tanging sarili at panahon lamang ang maaaring makagamot.

“Hanggang kailan ka iibig at magmamahal kay Jobert?” mata-sa-matang naitanong ni Daisy kay Loi.

“E-ewan ko… Ewan ko…” ang tanging na-isagot ni Loi sa kaibigang kapwa guro.

Dahil ang nabubuhay sa pag-ibig ay nakalilimutan ang sariling buhay…. (wakas)

 

ni Rey Atalia

About hataw tabloid

Check Also

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Krystall Herbal Oil

Pulikat sa lamig ng panahon pinapayapa ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

BingoPlus Chelsea Manalo Feat

BingoPlus welcomes Miss Universe Asia Chelsea Manalo home

BingoPlus, your comprehensive digital entertainment platform in the country, has always been supportive of Chelsea …

BingPlus PANA feat

BingoPlus empowers brand partners before the year ends

BingoPlus, your comprehensive digital entertainment platform in the country, upheld the Christmas party of the …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *