Monday , December 29 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

4 patay, 2 sugatan sa pagsalpok ng pick-up

NAGA CITY – Apat katao ang patay habang dalawa ang sugatan makaraan sumalpok sa punongkahoy ang isang sasakyan sa Sto. Domingo, Vinzons, Camarines Norte, dakong 12:15 a.m. kahapon.

Kinilala ang mga namatay na si Raisa Antoinette Azensa, 25, private nurse sa Camarines Norte Provincial Hospital, at ang mga kasama niyang menor de edad na sina Mathew De Leon at Jed Marvin De Guzman, gayondin ang kanilang katulong na kinilala lamang sa pangalang Jack.

Nasugatan din ang isa pang nurse na si Rosalyn Tuazon, 25, at ang driver ng sasakyan na si Kevin Villamonte.

Sa ulat ng Camarines Norte Police Provincial Office, binabaybay ng isang pick-up ang kahabaan ng kalsada sa nasabing lugar nang mawalan ng direksyon dahil sa madulas na daan dulot ng pagbuhos ng ulan.

Bunsod nito, sumalpok sa isang puno ang pick-up at tuluyang bumangga sa isang kongkretong perimeter fence ng provincial motorpool.

Agad dinala sa ospital ang mga biktima ngunit idineklarang dead on arrival ang apat.

Habang patuloy na ginagamot ang dalawang iba pa.

Beth Julian/Jethro Sinocruz

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Batangas Rep ibinuking inang senadora sa budget insertions

INAMIN ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na may insertions sa pambansang budget ang …

Senate Senado

5 senador pasok bilang ‘most favorable’ senators

TATLONG miyembro ng mayorya at dalawa mula sa minorya ang pumasok sa top 5 ng …

Nartatez United Candelaria Doctors Hospital

Acting PNP Chief Nartatez Personal na Dumalaw sa mga Sugatang Pulis at Pinarangalan ang Nasawing Kasamahan sa Quezon

Pamumunong Nariyan Kapag Kailangan Hindi nag-atubiling magtungo si Acting PNP Chief PLTGEN Jose Melencio C. …