TUMAAS ang bilang ng mga pamilyang Filipino na nakaranas ng gutom nitong ikatlong quarter ng 2014.
Batay sa survey ng Social Weather Stations (SWS) na isinagawa nitong Setyembre 26 hanggang 29, 22% ng respondents o katumbas ng tinatayang 4.8 milyong pamilya ang nakaranas ng gutom sa nakalipas na tatlong buwan.
Sa 22%, 17.6% o 3.8 milyong pamilya ang nakaranas ng moderate hunger (minsan o ilang beses) habang 4.4% o 970,000 pamilya ang nakaranas ng severe hunger (madalas o palagi).
Mas mataas ang resultang ito ng 1.2 milyon kompara sa 16.3% hunger rate o 3.6 milyong pamilyang Filipino na nakaranas ng gutom noong ikalawang quarter.
Ito na rin ang pinakamalala mula noong Hunyo 2013 kung kailan naitala ang 22.7% hunger rate.