Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sofia, dating support, ngayon bida na!

102914 sofia andres

00 fact sheet reggeeSPEAKING of Sofia Andres, siya ang na nag-iisang leading lady nina Inigo Pascual at Julian Estrada sa pelikulang Relax, It’s Just Pag-Ibig na idinirehe ni Antoinette Jadaone na mapapanood na sa Nobyembre mula sa Spring Films at Star Cinema. Support lang siya sa Forevermore na serye nina Liza Soberano at Enrique Gil at gagampanan niya bilang love interest ni Marco Gumabao.

Kaya namin ito nabanggit ay dahil pinagpilian pala sina Liza at Sofia sa Relax, It’s Just Pag-Ibig.

Kuwento mismo ng producer ng pelikula na si Cornerstone Talent Management honcho, Erickson Raymundo, “actually, pina-audition ko ‘yan si Liza, gustong-gusto ko siya kasi nga fresh looking, bagay na bagay kina Inigo at Julian, eh, at that time kasi medyo malamya pa, so hindi siya napili ng direktor.

“Sayang nga, kasi nakitaan ko na talaga siya, eh, ayaw ng direktor ko, ganoon naman talaga, hindi magkasundo ang producer at direktor, laging magka-away sa project, eh, wala naman akong magagawa kasi siya ang direktor.”

Oo nga naman, umikot lang ang mundo nina Liza at Sofia dahil sa Forevermore ay sumusuporta lang ang huli.

Halos ganito rin naman ang nangyari kay Sofia dahil support lang din siya sa She’s Dating A Gangster nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, pero heto at bida naman siya sa Relax, It’s Just Pag-ibig.

Pero sa mga artistang taon na ang binibilang sa industriya ay hindi puwedeng parelax-relax kayo dahil maraming baguhang nagsusulputan na ngayon na mas napapansin sila kaysa inyo.

ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …