Lady Choi
KUNG ikaw ay mayroong negosyo gaya ng isang restaurant o simpleng karinderya, nagnanais na makahikayat ng maraming bisita, at maging sikat dahil sa pagkakaroon ng komportable, positibong atmosphere at masarap na pagkain, ang enerhiya at kaaya-ayang init ay kailangang dumaloy palabas ng coccyx area.

Narito ang ilang Feng Shui tips para sa iyong negosyo:
1. Alisin ang lahat ng negatibong direksyon at gawing aktibo ang lahat ng positibong direksyon na ayon sa iyong Feng Shui map, na naglalaman ng special enhancers.
2. Ang pinakamainam na direksyon ng iyong front door ay yaong geographical direction na itinuturo ng iyong Feng Shui map.
3. Ang kisame ay dapat kulayan ng mapupusyaw (light tint) at masasayang kulay.
4. Ang kusina at banyo ay dapat malayo sa main door at malayo rin sa mata ng mga bisita. Ang pinto ng banyo ay dapat hindi masyadong malaki.
5. Bago ang iyong entrance door, dapat maglaan ng maluwag na espasyo para makahikayat ng mga positive chi, gaya ng parking space, garden o water area.
6. Ang iyong negosyo ay tiyak na lalago at sasagana kung ang iyong restaurant o karinderya ay may road circle na nakapalibot sa harap.
7. Maghanda ng 5-elements nutrition para sa iyong mga bisita at kostumer. Ang iyong mga kliyente ay tiyak na babalik muli para tikman ang iyong mga putahe. Ang mga pagkaing ito ang magbabalanse ng human at earth energies, sa gayon, ang human energies ang siyang kukuha lahat ng benepisyo habang ang earth luck ang magsisilbing nutrisyon.