Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

No toll increase sa Undas —LTFRB

SINIGURO ng Toll Regulatory Board (TRB) na walang iindahing dagdag-singil ang mga motoristang dadagsa sa pitong expressway ngayong Undas.

Napag-alaman, pinulong kahapon ng TRB ang tollway operators ng North Luzon Expressway (NLEX), Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX), Tarlac-Pangasinan-La Union Expressway (TPLEx), Skyway, South Luzon Expressway (SLEX), Southern Tagalog Arterial Road (STAR) at Cavitex.

Ayon kay Bert Suansing, consultant ng Road Safety and Traffic Concerns ng TRB, handang-handa na ang pitong expressway.

May sapat na aniyang ambulant tellers para maiwasan ang sobrang habang pila ng mga sasakyan habang tuloy-tuloy na ang pagpapatrolya ng traffic enforcers.

Nilinaw ng TRB na walang aasahang discount ang mga biyahero, ngunit wala ring toll increase.

Inaasahang dadagsa ang mga biyahero simula Biyernes ng tanghali hanggang sa Nobyembre 4.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …